Friday , November 15 2024

Pagharap ng MPD sa hostage-taking

00 firing line robert roqueNagpasiklab ang Manila Police District (MPD) sa pagharap sa hostage-taking sa loob ng isang bus sa Taft Avenue, malapit sa Pedro Gil, noong Huwebes.

Sa loob ng 30 minuto ay natapos at napaslang ang naburyong na lalaking nang-hostage sa loob ng HM transport bus, at nailigtas ang babaing estudyante na tinutukan niya ng icepick. Kinailangan daw paputukan ang suspek dahil nasa peligro na ang buhay ng hostage.

Kapuri-puri ang “police visibility operations” ng MPD kaya mabilis silang nakaresponde sa sitwasyon. Pero delikado ang ginawa nilang pagbaril sa suspek dahil inilagay nila sa panganib ang buhay ng bihag. Mabuti na lang at hindi ito tinamaan.

Sa tingin ng iba ay minadali ng mga pulis ang paglutas sa naganap upang huwag nang maulit ang masaklap na karanasan noong 2010, sa isang hostage-taking sa Luneta na naganap sa loob din ng bus.

Nasawi ang nang-hostage na isang pulis at ang walo sa kanyang mga bihag na pawang turista mula Hong Kong. Inabot ito ng walong oras at sa tingin ng marami ay mukhang hindi alam ng mga pulis ang gagawin. Nagdulot ito ng batik sa ating bansa at sa ugnayan natin sa Hong Kong.

May mga nagsasabi na natuto na ang MPD sa pangyayaring ito at batid na nila ngayon kung paano haharapin ang ganitong sitwasyon.

Pero alalahanin natin na para masabing matagumpay ang pag-aasikaso sa isang “hostage situation” ay dapat magwakas ito na kapwa buhay ang nang-hostage at ang kanyang binihag.

Nagkakaroon ng negosasyon na nagtatagal at kadalasan inaabot ng maraming oras sa hangaring mapanatiling buhay ang hostage-taker at ang bihag hanggang sa matapos ang krisis.

Pero sa isang ulat ay nagpahayag umano si Chief Superintendent Joel Pagdilao, hepe ng NCRPO, na may protocol silang sinusunod sa naturang sitwasyon. Ang prayoridad daw nila ay tiyaking ligtas at buhay ang biktima.

Hindi natin makukuha ang pagsang-ayon ng lahat ng tao sa lahat ng sandali. Kung hindi nagmadali ang mga pulis at dinagdagan ang pagsisikap para kumbinsihing sumuko ang hostage-taker ay maaaring may bumatikos pa rin sa kanila.

Gayunman ay marami ang natuwa na nailigtas ang buhay ng bihag, at hindi nasawi kasama ng suspek.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *