Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ingat sa mga pangako na napapako

00 parehas jimmyNAGTATAKA lang ako sa ating bansa, ang daming ipokrito, puro pangako na gaganda ang buhay natin pero mapanlinlang. Tingnan ninyo at puro pabango na naman mga politiko dahil election na naman.

Ang babait nila ngayon sa mga tao. Nahahawakan mo pa kamay, pero pag nanalo na sila ay di mo na makausap, malapitan at bantay-sarado ng mga  bodyguard nila na masyadong overacting.

Lies, deception, hypocrisy ang trending na naman ngayon. Kawawa naman ang bansa natin.

***

Papurihan natin ang rank & file ng BOC dahil sumunod sila sa daang matuwid. Isa na riyan si Customs Deputy Commissioner  Ariel Nepomuceno na talagang kamay na bakal ang ginagamit laban sa ismaglers.

Tingnan ninyo ang mga huli nila, droga, baril, luxury cars, general merchandize na misdeclaration at marami pa.

Wala talagang nakalulusot sa kanila.

Keep up the good work DepComm. Nepomoceno!

***

May nagsumbong mismo sa inyong lingkod, “Boss Jimmy dami ipokrito sa Immigration. Take and take At overtake ang ginagawa ng ilang dikit kay Mison.Totoo kaya ito?

Dapat pala mag-resign si Fred Mison sa Immigration kung totoo ‘yan ‘di ba?

Ang dami daw anomalya ngayon sa Immigration pero nakapagtataka bakit hindi napag-uukulan ang ahensiyang ito ngayon.

Kita naman kung sino ang green holder sa immigration? Nagtatanong lang po!

***

Pinupuri natin ang AFP at PNP na nagbubuwis ng buhay para sa bayan. Lalo ‘yung mga nakatalaga sa Mindanao.

Pero ‘yung mga gago at tarantado sa AFP at pulis na sangkot sa illegal na gawain, go to hell!

Sa mga tunay na bayani ng bayan, SALUDO ako!

***

Si BOC-MICP district collector Emir dela Cruz ay maganda ang record at ‘di siya marunong manakit ng damdamin ng tao at hindi rin siya marunong magkunwari kaya mahal siya ng kanyang nasasakupan. Ang mahigpit na bilin niya sa mga taga-MICP customs ay tulungan ang gobyerno at pataasin ang collection performance nang sa ganoon, matulungan si Pnoy sa kanyang reporma at pagmamahal sa bayan.

The best ka Collector dela Cruz!

Mabuhay ang MICP!

***

Si Lejos ay suspendido daw sabi ng urot sa Finance?

Ang sagot naman ng iba na nakarinig ay dapat lang dahil corrupt daw ‘yan at reyna ng bidding.

Totoo ba ito?

Sa deputy collector for operation ay meron daw isang nagngangalang Cara-Cara at umiikot daw para ipangolekta si collector Balgomera pero I doubt kung may utos nga si Coll. Balgomera na ipangolekta siya?

Dahil sa pagkakaalam ko ay ‘di tumatanggap ‘yan ng dirty money.

Paki-check mo pare kung totoo ang report na ito. Kawawa ka naman kung nagagamit sa masama ang pangalan mo.

Ang laki ng respeto ko sa ‘yo!

***

Sa susunod na issue tatalakayin natin ang ops nina Eugene Tan at Henry Tan sa customs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …