Friday , November 15 2024

Kredito sa hatol kay Ex-Gov. Valera ibigay sa nararapat

00 aksyon almarNAKAMIT na rin ng mga inulila ni Congressman Luis “Chito” Bersamin Jr., ang matagal na nilang isinisigaw na hustisya  sa pagpaslang sa dating Kongresista noong 2006.

Halos siyam na taon din naghintay ang mga kaanak ng napaslang. Bunga ng dasal mula sa kaanak at kaibigan ng pamilya Bersamin, nakamit din ang katarungan. ‘Ika nga, walang imposible sa panalangin.

Nakamit ng pamilya Bersamin ang katarungan makaraang hatulan kamakailan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 94, ang akusado ng  reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo.

Ang hinatulan lang naman matapos mapatunayang nagkasala ay si dating Abra Gov. Vicente Valera.

Napatunayang si Valera ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Bersamin noong Disyembre 16, 2006 sa harap  ng Mt. Carmel Church sa New Manila, Quezon City.

Hayun, ang masaklap lang nito nang mahatulan ang dating gobernador, isang gabinete ng administrasyong PNoy ang umepal. Para bang pinalalabas niya na accomplishment ito ng kanyang tanggapan. Huwag ka nang umepal pa!

Ang atin lang naman ay huwag sana kalimutan ang katotohanan kung bakit naging maganda ang takbo ng kaso…kung bakit napatunayang nagkasala ang dating gobernador…kung sino ang humalukay ng lahat ng ebidensiya laban sa akusado na ginamit naman sa korte.

Ang totoo niyan, malaki ang naging kontribusyon ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na noon ay pinamunuan ni Sr. Supt. Franklin Moses Mabanag.

QCPD nga naman talaga, noon pa’y talagang matino at magaling sa trabaho pero, siyempre depende din ito sa namumunong District Director o sa CIDU.

Nang mapaslang si Bersamin, hindi nagpatumpik-tumpik ang QCPD.

Agad binuo ang “Task Force Bersamin.” Ang CIDU sa pamumuno nga noon ni Mabanag ang naging lead unit para lutasin ang kaso. Walang sinayang na oras ang CIDU—sa paglikom ng mga positibong impormasyon… matitibay na ebidensiya hanggang maging positibo ang lahat laban sa dating gobernador. Kaya kinasuhan ng tropa ni Mabanag si Valera noong Pebrero 2007.

Hindi lang hanggang sa pagsasampa ng kaso ang ginawa ng CIDU kundi sila na rin ang humanting kay Valera — hayun, naging matagumpay ang lahat.

Naaresto nila ang dating ama ng Abra noong Setyembre 1, 2009. In short, ang CIDU ang trumabaho ng lahat at hindi iyong umeepal na opisyal sa Department of Justice (DOJ).

Para bang pinalalabas niyang malaking accomplishment niya ang pagkakahatol kay Valera. Mahiya-hiya ka naman!

Ang nakasasama pa ng loob, nang hatulan si Valera, hindi man lang nabanggit ang airport este, effort pala ng QCPD-CIDU sa pagkakaresolba sa kaso. Wala man lang din nagtangkang kumalkal (na mamamahayag) kung paano naaresto o kung sino ang nakaaresto at lumikom ng ebidensiya laban kay Valera.

Yes, inuulit natin — FYI. Ang QCPD ang trumabaho ng lahat – ang CIDU.

Ang nangyari pa sa interview ng ilang mamamahayag ( hindi sa HATAW) – ang kanilang pinagpiyestahang interbyuhin ay mga taong walang kinalaman sa case build-up.

Nasaan na nga ba kasi si Mabanag? Nandoon na po sa Regional Police Office 2. Ano pa man, nakabibilib ang nasabing opisyal. Bakit? Kasi nang mahatulan si Valera ay hindi man lang siya lumantad para magpainterbyu. Iyon bang iyabang na sila ang nakalutas sa kaso…na kung hindi sa trabaho nila ay hindi mapoposasan hanggang nahatulan si Valera.

Hindi ginawang lumabas ni Mabanag dahil hindi naman siya mahilig magpapogi at sa halip, trabaho lang ang lahat sa kanya.

Kaya sa iyo Kernel Mabanag, sampu ng mga naging katuwang mong opisyal at operatiba sa CIDU noon, saludo ang bayan sa inyo.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *