Friday , December 27 2024

Filing na ng CoC simula ngayon

00 pulis joeyFILING na ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga tatakbo sa 2016 elections.

Kaya malalaman na natin simula ngayon hanggang Biyernes kung sino-sino ang mga naghahangad na mamumuno sa ating bansa, lalawigan, distrito, lungsod o munisipyo.

Pagkatapos ng filing sa Biyernes, may pitong buwan pa tayong pag-aaralan at kakaliskisan ang mga kandidato.

Para sa akin, makabubuti na huwag na nating ihalal ang pami-pamilyang kandidato (political dynasty), iyong mga politiko na ginawa nang negosyo ang pagiging “public servant”  kuno. Lalo na ‘yung mag-asawa na kumakandidato ng mayor at vice mayor at ang anak ay kongresista at konsehal. Pwe ‘yan!

Bigyan natin ng tsansa o pagkakataon ang mga bago na may vision, gusto ng pagbabago sa ating bayan.

Tama na! Sobra na!! Ibasura na!!! Ang mga politiko na abusado at nagpayaman sa puwesto.

Ang 2016 ay panahon na ng pagbabago. PAGBABAGO!!!

Mabuhay!!!

Police visibility sa Maynila

Papurihan naman natin ngayon ang Manila Police District sa pamumuno ni C/Supt. Rolando Nana.

Oo, nakikita na ngayon sa mga kanto-kanto mula umaga hanggang gabi at madaling araw ang mga miembro ng MPD. Kaya naman wala na tayong masyadong nababalitaan na street crimes.

Puwede naman palang ganito. Bakit ngayon lang ginawa?

Anyway, maraming salamat, General, Sir! Sana tuloy-tuloy na ito at hindi ningas-cogon lamang.

Mabuhay ang MPD!

‘Bad egg’ na pulis sa Negros Oriental

– Mr. Venancio, report ko itong si “Sarge RP” na badigard ni Gov. sa Negros Oriental, matinik! Kasi kahit may asawa nang legal, may ibinabahay pa, may anak pa raw. Tsismis na malapit sa katotohanan. Pulis ‘yan, so considered as bad egg. – 09156293…

Kung totoo ito, maaaring kasuhan ng “Immorality” ang pulis na ‘yan sa Civil Service Commission, Ombudsman o DILG.

Reaksyon ng taga-Sagay City tungkol sa ESA

– Sir Joey, nabasa ko po ang kolum nyo tungkol sa txt ng taga-Sagay City. Ang totoo po bibigyan po sila ng totally (damage), pero ginagawa palang. Kasi housing po ang ipamimigay sa lahat ng taga-coastal area. Kasi gusto ng taga-coastal lalo na sa taga-Molocaboc island sila masusunod. Tama naman siguro ang LGU Sagay na bahay na lang (ibigay sa kanila) para ligtas sila pag may malakas na bagyo. Kasi panganib talaga sa tabing dagat, di ba? ‘Yun lang po. Thanks! Wag po publish ang number ko. – Concerned citizen ng Sagay City

Hinaing ng survivorship pensioner ng GSIS

– Sir Joey, survivorship pensioner ako ng GSIS, asawa ko nagtrabaho sa City Hall ng Davao City. Nabasa ko sa inyong diario Sept. 29, 2015, ang 10 percent accross the board increase ang ibibigay para sa lahat ng EC permanent partial disability at EC survivorship pensioner. Ito ay retroactive mula May 1, 2015. Bakit wala pa? Anong gagawin ko? May mga kaibigan ako… nag-withdraw siya ng Oct. 8, 2015, may patong ang kanyang pension 20%. Sa akin, wala. Sana matulungan mo kami. Malaking bagay ito lalo na sa maintenance kong gamot. Dont publish my number. – GSIS survivorship pensioner

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *