Nakabibilib ang bilis ng aksyon ng Ombudsman
Joey Venancio
October 11, 2015
Opinion
TALAGANG mabilis magdesisyon ngayon sa mga kaso sa Ombudsman si Conchita Carpio-Morales. Walang sinisino!
Oo, simula nang maitalagang Ombudsperson si Morales noong Hulyo 2011 ay napakarami na niyang pinatalsik sa puwesto na mga abusado at magnanakaw na opisyal sa gobyerno, pati mga politiko yari!
Ang mga kasong tinulugan ng mga nakaraang Ombudsman ay binuhay at denesisyunan ni Morales. Mabilis ang kanyang mga naging aksyon!
Ang pinakahuling napasibak sa puwesto ay itong sikat na si suspended Makati City Mayor Junjun Binay, anak ni Vice President at 2016 presidentiable Jojo Binay, kaugnay ng katiwalian sa kontrobersiyal na Makati Parking Building, at Masbate Governor Rizalina Seachon-Lachete at 11 pa kaugnay naman sa pork barrel fund scam.
Marami pang nakahanay na mga korap na opisyales ng gobyerno at politiko ang masisibak sa terminong ito ni Morales. Tiyak iyon!
Teka, ang trapo na kongresista ng lone district ng Romblon na si Jesus “Budoy” Madrona kelan kaya lalabas ang resolusyon sa mga kaso niya?
Napakaraming katiwalian itong si Madrona. Hindi ba, Mr. Lyndon? Dapat i-ban na sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno ang taong ito eh. Siya ang dahilan kung bakit ang Romblon ay nasadlak sa poorest of the poor sa lahat ng lalawigan sa Pinas.
My dear Romblonon… huwag nang ihalal ang MADRONA sa 2016 election. Kailangabn na ng ating lalawigan ng pagbabago. Gising!
‘Wag ismolin ang kakayahan ng isang babae… kaya nyo magbuntis?
– Sir Joey, nabasa ko sa diario sa ‘Opionion Mo’. Ang sabi: Ano daw masasabi mo kung parehong babae ang mamuno sa bansang Pilipinas? Karamihang sagot inismol ang babae. Bakit lalaki lang ba may karapatang manungkulan? At bakit kailangan sabihin di kaya ng babae ang gawain ng mga lalaki? Para sa akin, Sir Joey, lahat ng trabaho ng lalaki kaya naming mga babae. Pero ang trabaho naming mga babae di nyo kayang lahat. Alam nyo kung bakit? Kaya nyo ba mga lalaki ang magbunbtis? Wag naman ismolin ang kakayahan naming mga babae. Pero sa totoo lang, Sir Joey, kung sina Leni Robredo at Grace Poe din lang naman ang mamumuno sa Pilipinas, kay Jojo Binay nalang ako. Kasi dami naitulong sa pamilya ko. – Binay po ako
Sang-ayon ako sayo, ate. Kayong mga babae ang nagpapasaya sa amin. Di ba, Mr. Jerry Yap? Hehehe…
Kabataang estudyante suki ng marijuana sa Tandang Sora, Quezon City
– Report ko po dito sa Brgy. Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City, masyado nang talamak ang bentahan ng marijuana dito sa Villa Corrina Subd., Area A. Karamihan po mga kabataang estudyante ang bumibili. Wala pong aksyon ang mga opisyal ng subdivision pati barangay officials. -Concerned citizen
Salamat sa PCP (MPD PS-1) Don Bosco, Tondo, Manila
– Sir Joey, dito sa aming lugar sa Chesa st. corner Quezon st., Tondo, Manila ay nagpapasalamat kami sa mga pulis Don Bosco (MPD PS-1 PCP). Natigil na ang patayan dito mula nang gabi gabi at madaling-araw sila nagbabantay sa naturang lugar. Nakapagtitinda na kaming lahat. Keep up the good work, Sgt. Nunez and compaby. Salamat po. – 09277355…
Napapansin ko nga ang police visibility ngayon sa Tondo. Mayroon na silang kubol sa island sa Road 10 sa may kanto ng Moriones. Kaya naman nawala na mga isnatser sa lugar. Mabuhay kayo, mga Sir!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015