NAGTALA ng record para sa endurance ang isang pugita, o deep-sea octopus, sa paglimlim sa mga itlog nito ng 53 buwan—mas mahaba sa ano mang kilalang species ng hayop (o tao), ulat ng mga researcher sa PLoS ONE1.
Noong 2007, namataan ng isang team ng mga siyentista mula sa Monterey Bay Aquarium Research Ins-titute (MBARI) sa Moss Landing, California, ang deep-sea octopus na nasa isang batong nakausli sa 1,400 metrong lalim ng tubig—at nagkaroon sila ng oportunidad para obserbahan ang species nitong Graneledone boreopacifica na ayon sa datos ay hindi nakapagsu-survive habang nasa captivity. Pagkalipas na mga taon, nagbalik ang mga researcher nang regular sa naturang lugar para bantayan ang inang pugita habang naglilimlim.
“Nagpatuloy ito sa matagal na panahon at talagang namangha kami,” wika ni Bruce Robison, isang deep-sea bio-logist sa MBARI, na siyang namuno sa pag-aaral ng kakaibang octopus.
“Sa bawat pagkakataon na dadalaw kami sinasabi namin, ‘Ito na ang hu-ling beses na makikita namin siya.”
May ilang mga hayop sa kailaliman ng dagat ang mahina sa pangmatalang paglilimlim, at isang dahilan ang mga itlog ay mas mabagal mag-incubate sa malamig na temperatura na naaayon sa ilalim ng karagatan. Ngunit ang pinakamatagal na gestation period na dating naitala ay 14 na buwan lang, sa species ng pugitang Bathypolypus arcticus2.
Noong Oktubre 2011, doon na na-kitang wala na ang Octomom at ang tanging naiwan na lamang ay labi ng napisang kapsula ng mga itlog.
Dahil ang pugita ay unang natagpuan noong Setyembre 2007, nagawang kalkulahin ng research team ang gestation period nito sa mahigit na 53 buwan.
Kinalap ni Tracy Cabrera