Friday , November 15 2024

‘Lagayan sa Comelec para sa Partylist’

00 pulis joeyTOTOO ba ito?

Milyones raw ang lagayan ngayon sa Comelec para mapa-accredit ang isang Partylist nang sa gayon ay makalahok sa darating na eleksyon 2016.

Minsan ko nang narinig ito noong panahon ng ilang nagretirong Comelec commissioners na inireklamo ni Mr. Jerry S. Yap ng Alab ng Mamahayag (ALAM) na umano’y hinihingan ng P3-M para ma-accredit noong 2013 election ang naturang party-list.

Ang bagong info na ito ay sinabi sa akin mismo ng isang abogado na nag-aaplay ng partylist sa Comelec.

“Grabe! Milyones ang hinihingi nila sa Comelec!” sabi ng abogado na ayaw magpabanggit ng pangalan sa pangambang lalong ipitin ang ipinapa-accredit niyang party-list. “May mga tao silang lalapit sa ‘yo at sasabihing ito ang halagang ibibigay para makalusot ang Party-list.”

Makarating sana ito sa kaalaman ng bagong mabuting Comelec Chairman na si Andy Bautista, na kamakailan lang ay nakapasa sa Committee on Appointments (CA) ng Kongreso.

Do it, Chairman!

Maling pamamahagi ng tulong pinansiyal sa survivors ng Yolanda sa Negros Occ.

– Sir Venancio, ako po ay taga-Sagay City, Negros Occidental. Ipaaalam ko lang sa kinauukulan  na noong June, July saka August at September ay namigay ng pera para sa Yolanda survivors. Ang mga nabigyan po ay nasa bundok at siyudad. Bakit kami hindi nakatanggap ng pera na nasa coastal area kami? Kami po ang nakaranas ng bagyo. Sir! Kapag hindi kami nakatanggap ng pera para sa Yolanda, anim po ang barangay na hindi boboto sa darating na eleksyon. Sana po ay maipaabot ito sa ating Presidente at mapaimbestigahan po rito ang DSWD. – 094628285300

 Sinadya kong ilabas ang numero mo para matanong ka ng mga kinauukulan tungkol sa bagay na ito. Magsabi ka nang totoo at huwag matakot dahil kayo ang biktima.

Talamak ang droga sa Villamor Compound, Binangonan, Rizal

– Wala yata talagang magawa ang PDEA dito sa Villamor Compound, Pag-asa Ext., Binangonan, Rizal. Daming pusher at adik dito. Sa Champaca at Mendoza sila kumukuha ng droga. Mga moros ang nagbabagsak ng droga rito. Sana maaksiyonan ito ng taga-PNP Crame. Kasi ang mga pulis dito sa Binangonan mga patong na rin sa droga. Huwag n’yo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

4Ps member: Hindi kami tamad alisin nalang ang 4Ps

– Sir Joey, hindi naman kaya nagrereklamo kaming mga 4Ps dahil kami hindi na nagtatrabaho at diyan kami naasa. Hindi masama ang magtanong at lalong hindi kami tamad. Nagtatrabaho kami nang maayos para hindi kami magnakaw. Sa palagay ba ninyo sa binibigay ng gobyerno na P300 (P3,000)  kada buwan  e magkakasya sa isang pamilya sa loob ng isang buwan kung hindi kami magbabanat ng buto? Sa tingin n’yo ba magkakasya at tatagal kami ng 3 o 4 months hindi kumakain at suportahan lahat ng pangangailangan ng pamilya kung dyan kami umaasa? Hindi po ba baka patay nang lahat ang mga 4Ps kung diyan kami umaasa at hindi na kami magtatrabaho? Ano sa tingin n’yo, Sir? E kung ‘yung 20, 30, 50 libo ang sweldo sa gobyerno kinukukang pa dahil nakukuha pa nila magnakaw sa pera ng bayan, kami pa ba ang hindi magkulang? Pero hindi kami tamad. Dahil kami ang nagpapasuweldo sa kanila. Ang sa amin ‘wag kaming gamitin para makapagnakaw sila. Kung gusto nila alisin ang 4Ps, ‘di alisin… ‘di ba? Tama kayo Sir, dati naman wala ‘yan 4Ps nabuhay nang matagal ang tao. Pampagulo lang ‘yan ng magnanakaw. E kung ilalagay sa livelihood project yan lalo na marami mananakaw. Kasi marami ang lalabas na kailangan. Baka pag hindi ka nakadalo o nakatrabaho e isang daan na lang sa ‘yo. Katulad ngayon, isang beses kang hindi nakadalo sa miting, P500 kaltas sa tatanggapin mo. Ewan lang namin kung saan napupunta. Pano kung may mabigat na dahilan kaya hindi nakarating, di ba? O, di wow! Hindi po ami tamad, Sir Joey. – 09394087…

Mukhang professional kung magsalita ang member ng 4Ps na ito. Parang hindi siya pam-4Ps. Pero tama ang punto niya. Pampagulo lang ang 4Ps. Ginagamit lang sa pagnanakaw ng mga nasa likod nito. Tulad nga ng mga natatanggap nating reklamo na marami sa member ng 4Ps ay hindi naman talaga kabilang sa poorest of the poor kundi kamag-anakan ng mga opisyal ng barangay, munisipyo at DSWD!

08

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *