Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Romance luck bubuhayin ng Mandarin ducks

100515 Mandarin ducks
MAGLAGAY ng painting o isang pares ng ornamental mandarin ducks sa mesa sa timog-kanlurang bahagi ng inyong bedroom upang mapabuti ang romansa at suwerte. Ang ducks o pato ay simbolo ng fidelity and happiness. Maaaring maglagay ng alternatibong ano man ngunit dapat ay heart-shaped.

Feng shui sa bedroom

* Huwag hayaang mag-reflect sa mga salamin ang kama. Ang repleksyon sa salamin ay nagbabadya ng presensya ng third party.

* Huwag matutulog sa ilalim ng nakausling biga o beam. Magdudulot ito nang hindi pagkakatulog at sigalot sa pagitan ng mag-asawa o magkapareha. Takpan ang ano mang biga ng pekeng kisame o magsabit ng dalawang bamboo stems na may nakataling pulang sinulid.

Masuwerteng posisyon ng kama

Palaging ipuwesto ang inyong kama sa corner ng kuwarto nang diagonally opposite ng entrance. Huwag matutulog nang direktang nakaturo ang ulo o mga paa sa pintuan.

Bedroom doors

* Ang pinto sa inyong bedroom ay hindi dapat nakaharap sa kitchen or toilet door. Magsabit ng wind chimes sa pagitan ng dalawang pintuan upang malusaw ang nabuong bad energy.

* Ang bedroom doors ay hindi dapat nakaharap sa hagdanan, sa salamin o sa isa pang pintuan. Kung ganito ang posisyon, tiyaking palaging nakasara ang mga ito o magkabit ng ilaw o magsabit ng windchime. Huwag gagamit ng Pa Kua mirror, dahil dapat lamang itong gamitin sa labas ng bahay.

Paano dapat matulog?

* Dapat palaging may bed head

* Idikit ang bed head sa dingding

* Matulog nang hanggang 18 ins/45 cm ang taas mula sa sahig

* Huwag matutulog nang nakaharap nang malayo sa pintuan, dapat palagi mong nakikita ang entrance.

* Panatilihing low and soft ang ilaw.

* Maglagay ng dekorasyong dark yin colours kaysa light yang colours.

 

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …