SA matagal na panahon, pinaniniwalaang ang mga kometa ay nagdadala ng kalamidad na humahantong sa pagkaubos ng mga halaman at hayop, tulad nang nangyari sa kapanahunan ng mga dinosaur na kung kailan ay sinasabing nagunaw ang lahi nila dahil sa pagbagsak ng malaking kometang lumikha sa malawakang sakuna sa mundo.
Subalit kinokonsidera ngayon ng mga siyentista ang posibilidad na ang mga kometa ay maaari ding nagpasimula ng buhay—o kung hindi man ay nagbunsod ng serye ng mga kaganapang nagbigay ng buhay sa planet Earth.
Sinaliksik ng pag-aaral na prinsinta kamakailan sa Goldschmidt Geochemistry Conference sa Prague ang abilidad na magpasimula ng buhay ng comet impact sa daigdig sa teoryang ang mga ito ang isa sa driving force na naging dahilan ng synthesis ng mga peptide—ang kauna-unahang building blocks ng buhay.
Sa pamamagitan ng serye ng pananaliksik na gumaya sa mga kondisyon ng comet impact sa planeta, hinayag ni Dr. Haruna Sugahara ng Japan Agency for Marine-Earth Science and Technology sa Yokohama a ang mga kalagayan nang maganap ang comet impact ay wasto sa peptide formation na kalaunan ay nagdala ng synthesis ng mas pangmatagalang peptide.
Matapos ang pagsusuri ng post-impact mixture gamit ang chromatography, napagalaman nilag ilan sa mga amino acid ay nagsama-sama para maging panandaliang peptide na umabot sa 3 unit ang haba (tripeptide).
Ayon kay Sugahara, nakita nila sa kanilang eksperimento na ang malamig na kondisyon ng mga kometa sa panahon ng impact ay siyang susi sa nasabing synthesis.
Ni Tracy Cabrera