Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub vs KimXi vs Jadine sa MMFF (Lakas ng loveteam, masusubukan…)

100515 aldub kimxi jadine
SINASABI nila, hindi na ang mga beteranong stars kundi ang mga magkaka-love team na ang maglalaban-laban sa darating na film festival. Doon sa isang pelikula ay kasama Xian Lim at Kim Chiu. Roon sa isa naman ay kasama sina James Reid at Nadine Lustre. Roon sa pelikula naman ni Vic Sotto, kasama ang AlDub. Kaya nga sinasabing mukhang magkakalaban at magkaka-alaman talaga kung sinong love team talaga ang matindi.

Kung natatandaan ninyo, kamakailan ay nagkasagupaan na sila sa telebisyon nang ang mga sikat na love teams na iyan ay sabay-sabay na ginawang guest sa isang show kalaban ng Aldub, pero sa kasamaang palad ay tumaob sila sa Aldub. May mga nagsasabing tumaob sila dahil guest lang naman sila sa kalabang show at ang gusto ng mga tao ay nakikita silang umaarte, hindi iyong ganoong kumakanta at sumasayaw lamang. Kaya nga sinasabing ang kanilang pagtaob ay hindi masasabing dahil ang kanilang love team ay talo na talaga sa Aldub.

Sa festival, mas masusukat iyan dahil aarte na nga sila. Pero ang Aldub, tiyak na magda-dubmash pa rin naman sa kanilang pelikula. Ngayon makikita na natin kung sino ang talagang mas gusto ng publiko.

Makikita rin natin kung anong suporta ang maibibigay ng fans ng Aldub, dahil sa sine na iyan at may bayad. Hindi kagaya sa telebisyon na libre lang. Ayaw naming pangunahan ang resulta pero kung iisipin ninyo ang dami ng fans ng Aldub sa social media, na ibig sabihin may kakayahan silang magkaroon ng serbisyo ng internet, lalong may kakayahan naman silang magbayad ng sine. Kaya sinasabi ngang tiyak na mapapag-hit nila ang kanilang pelikula.

Kung napansin din ninyo, maging ang magagaling na singers kagaya ni Martin Nievera ay nagsabing hanga siya sa popularidad ng Aldub. Si Ogie Alcasid na nasa TV5, may ginawa pa raw kanta para sa Aldub. Siyempre mahirap nga namang kalabanin ang isang malakas na puwersa, samantalang kung makikisabay ka, baka advantage mo pa.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …