Friday , November 15 2024

Bulacan towns binaha kay Kabayan (Angat, Ipo dam umapaw)

1003 FRONTBUNSOD ng bagyong Kabayan, binaha ang ilang pangunahing lansangan sa Bulacan partkular sa kahabaan ng McArthur Highway simula sa siyudad ng Meycauayan hanggang bayan ng Bocaue.

Hanggang kahapon ay pahirapan sa pagdaan ang maliliit na sasakyan sa naturang lansangan dahil may mga bahagi na umabot hanggang baywang ang tubig-baha.

Nabatid na umapaw ang tubig sa Bocaue at Sta. Maria River na nakaapekto sa mga bayan ng Marilao, Bocaue, Meycauayan hanggang Obando.

Umakyat sa 5.7 meters ang water level sa Sta. Maria River na dapat 4.5 meters ang critical level, kaya nagpatupad ng force evacuation sa mga barangay ng Bagbaguin at Guyong sa Sta. Maria.

Hanggang kahapon ay hindi pa nakararaan ang maliliit na sasakyan sa tapat ng SM Marilao na nasa 1.5 feet ang taas ng baha sa lansangan.

Habang tumaas nang halos isang metro ang taas ng tubig sa Angat Dam, mula sa 189.91 meters ay nasa 190.90 meters na mula kahapon.

Nagpakawala ng tubig ang Bustos dam sa lakas na 300 cubic meter per second, habang nasa 101.15 meters ang water level sa Ipo dam at nag-abiso na magpapatapon din ng tubig sakaling umakyat sa 101.50 meters ang level nito.

8 siyudad sa NCR nakaalerto kay Kabayan

WALONG siyudad sa Metro Manila ang nakaalerto dahil sa bagyong Kabayan, lalo na ang kabilang sa signal number 1.

Kaugnay nito, bumuo na ng task force ang Office of the Civil Defense (OCD) sa National Capital Region (NCR) kasama ang local government units ng iba’t ibang siyudad para tumugon sakaling magkaroon ng emergency situation.

Sa report ng OCD-NCR, may ginagawa nang mga hakbang ang mga siyudad na tatamaan ng Tropical Storm Kabayan.

Sa Quezon, San Juan, at Mandaluyong City, lahat ng barangay ay inilagay na sa yellow alert habang naka-standby na rin ang mga gagamiting rescue equipment.

Sa Makati at Muntinlupa City, patuloy ang ginagawang monitoring sa kondisyon ng panahon sa radio at CCTV.

Nasa yellow alert din ang Lungsod ng Marikina at mahigpit na mino-monitor ang Marikina river.

Maging ang Taguig at Valenzuela City ay nagtaas ng alerto laban sa bagyo.

CEB nagpaliwanag sa delayed flights

IPINALIWANAG ng Cebu Pacific kahapopn, bunsod nang pag-upgrade nila sa bagong operating system nitong Oktubre 1, 2015 ay na-delay ang ilan nilang flights.

“We encountered issues in the course of the upgrade, which is preventing us from dispatching flights on time.  We are working on normalizing our operations as soon as possible,” pahayag ng Cebu Pacific.

Samantala, inihayag ng Cebu Pacific na kahapon, inaasahan nila ang pagkakaroon ng consequential flight delays at kanselasyon, at maaaring mangyari rin ito hanggang ngayong araw.

“We will issue updates to keep the public and our passengers informed as they become available” anila.

Humihingi ng paumanhin ang kompanya sa insidente.”

“We will provide for the requirements of the affected passengers, including meals, refreshment, and accommodation on other airlines,” dagdag ng kompanya.

Ang mga pasaherong bibiyahe sa pagitan ng Oktubre 1 hanggang 8, 2015, ay maaaring i-refund o i-rebook ang kanilang flight sa loob ng 30 days nang walang ibang babayaran. Maaari rin kontakin ang CEB call center +(632) 7020-888 para sa re-accommodation. (GMG) 

NDRRMC rescuers inalerto vs bagyo

MAHIGPIT na nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lahat ng mga lugar na isinailalim sa signal number 1 at signal number 2 na mag-ingat lalo ang mga residenteng nakatira sa low lying areas at mountainous areas dahil sa posibleng pagbaha at landslide.

Ayon sa NDRRMC, mapanganib din ang magbiyahe sa karagatan lalo na sa seaboards ng Northern Luzon, Central Luzon, at eastern seaboard ng Quezon kabilang ang Polillo island.

Inalerto na rin ng NDRRMC ang kanilang regional offices na apektado ng bagyong Kabayan na agad gumawa ng kaukulang hakbang kung kinakailangan lalo na ang paglikas.

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *