Friday , November 15 2024

PH history ok tanggalin sa high school — Aquino (‘Misteryo’ ni Ysidra Cojuangco ibabaon na sa limot)

1002 FRONTWALANG pagtutol ang Palasyo kahit hindi ituro ang Philippine History sa high school sa kabila nang pagkabahala ni Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III sa kakapusan ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysasayan  ng Filipinas.

Ito ang nabatid makaraang magpulong sina Pangulong Aquino at Education Secretary Armin Lusitro kamaka-lawa at sabihin sa Punong Ehekutibo na sa elementary na lang ituturo ang Philippine History.

Ayon kay Communications Secretary Hermi-nio Coloma Jr., tiniyak ni Luistro na ituturo ang Philippine History subject sa Grades IV, V and VI sa bagong K to 12 curriculum.

May extra curricular activities din aniya ang mga paaralan na tatalakay sa buhay ng mga prominenteng Filipino.

Naniniwala aniya si Luistro na ang komentaryo ng tatlong estud-yante na hindi alam na lumpo si Apolinario Mabini ay hindi sumasalamin sa antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa mga bayani.

“In any case, I committed to discuss this concern with the curriculum supervisors and va-lidate if majority of the students have similar deficiencies and ensure we just do not simply dismiss the issue without fair assessment of the real situation,” ani Luistro sa text message kay Coloma.

Nauna rito, inihayag ni Pangulong Aquino na uutusan niya si Luistro na ‘ayusin’ ang kakapusan sa kaalaman ng mga mag-aaral sa kasayasayn ng Filipinas.

Ito ang sinabi ng Pa-ngulo makaraang maikuwento sa kanya ang komento ng ilang netizens sa hindi pagtayo ng aktor na si Epy Quizon bilang si Mabini sa pelikulang ‘Heneral Luna.’

Sa pelikulang  Hene-ral Luna pa rin, mainit na pinag-uusapan ang na-ging papel ni Mylene Dizon na si Ysabel, ang babaeng kaulayaw ni Antonio Luna.

Naniniwala ang ilang sektor na nakapanood ng nasabing pelikula na si Ysabel ay si Ysidra Co-juangco.

Si Ysidra ay sinabing siyang nuno ng mga Cojuangco, kabilang na si Pangulong Benigno C. Aquino III at siyang naki-nabang sa iniwang mga ginto at salapi ni Heneral Antonio Luna.

Ibinaon umano ni Luna ang ilang bahagi ni-yon sa  bahay ng mga Cojuangco sa Malolos, Bulacan.

At nang paslangin ang Heneral sa Cabanatuan ay tuluyan na itong napasakamay ng babae.

Pinaniniwalaang dito nagmula ang tinatamasang yaman ngayon ng mga Cojuangco. Nagkaroon din umano ng anak si Luna kay Ysidra at pinangala-nan na Antonio Cojuangco Sr.

Sa family tree ng mga Cojuangco, si Antonio ay ama ni Ramon ng Philippine Long Distance Company (PLDT), na ama naman ni Antonio “Tony Boy” Cojuangco, ang partner ng aktres na si Gretchen Barretto.

Kapag hindi naituro sa high school ang Philippine History, tuluyan nang malilimot at hindi na mabibigyang-linaw ang kuwento tungkol sa yaman at kasaysayan ng mga Cojuangco. 

Ang ina ni PNoy na si Corazon Aquino, ay isang Cojuangco.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *