Friday , December 27 2024

Lineup ng Calixto Team 2016 nakaporma na!

CRIME BUSTER LOGONAKAPORMA na ang political lineup ng Calixto Team para sa 2016 local elections.

Meaning, handang-handa na sila.

Bago dumating ang pormal filing ng certificates of candidacy (COC) sa Commission on Election, ihahayag ng Calixto Team kung sino-sinu ang kanilang pambato para sa konsehal sa district 1 at district 2 ng Pasay City. Sa pagkakaalam ko ang ilan sa kanila ay incumbent city councilors. Ang Calixto Team 2016 ay nasa ilalim ng Liberal Party (LP).

Munti launches high-tech Census CBMS

THE local government of Muntinlupa launched the city-wide census Community-Based Monitoring System (CBMS), through the cooperation of Department of Interior and Local Government (DILG), and De La Salle-College of St. Benilde (DLS-CSB) during the city’s flag raising ceremony last September 28.

CBMS aims to collect disaggregated data to appropriate policies for poverty reduction and alleviation in which CMS enumerators will use technology in recording statistics.

City Planning and Development Office director Noel Cadorna said CBMS coordinators will utilize tablets in data gathering and will be able to plot files in maps through the geotagging feature of their device.

Cadorna said the digital transmission in CPDO’s servers during the census helps facilitate faster collection and efficient plotting of essential data.

CBMS will also cover data gathering in various sectors such as health, nutrition, basic education, employment, water sanitation, and others. Upon the completion of the census, the data will serve as baseline for policy makers and local Council to formulate programs and projects seem fit in the survey.

Enumerators and coordinators will conduct census for 14 weeks starting September 28 to the second week of December 2015.

Muntinlupa City Mayor Jaime “JRF” Fresnedi encourages Muntinlupeños to participate in the CBMS because it is integral for local development council and also for national agencies’ budget reforms.

The CBMS Local Census Committee is headed by Fresnedi and composed of the following offices: CPDO, City Health Office, Public Employment Services Office, Urban Poor Affairs Office, Business Permits and Licensing Office, Social Services Department, Environmental and Sanitation Office

Mga rumaraket ng 1602 sa AOR ng SPD

WALA na tayong nababalitaan kung may kampanya pa sa illegal gambling ang Philippine National Police.

Sa Pasay City, tumatabo pa rin ng daang kumbransa ang mga nasa likod ng bookies ng horse racing at bookies ng loteng. Sina Roderick, Nestor, alias “Barurut,” Bong, alias “Jose,” Lidas at isang alias double RR ang nakakaalam.

Sa pagkakaalam ko, si Bong ang umaaktong overall management ng bookies ng EZ-2, Pick 4, Suetres at 12 numbers games at ang ka-partner niyang si Roderick ang umaaktong area management sa Pasay.

Si Barurut naman ang umaaktong cabo management ng bookies ng karera ng kabayo sa iba’t ibang puwestuhan sa nasabi ring lungsod. Kanino kaya sila sasama sa elections???

Happy days ang mga peryantes

DAHIL buwan na ng Ber, happy days na naman ang mga capitalista ng peryahan at ang mga peryantes.

Sa Barangay Amaya sa Tanza; sa bayan ng Naic, sa Barangay Malabon sa General Trias, sa General Mariano Alvarez (GMA-near Jolibee), pawang sa lalawigan ng Cavite, parang kabuteng nagsulputan ang mga sugal na color games na ang front ay peryahan. Grupo nina Enchong, Marte, Emely, Boknoy at Jason ang nasa likod ng cooked gambling operations sa Cavite.

Sa lalawigan ng Pampanga na sakop ng PNP-Region 3, grupo nina Kiros, Louie, Nardo, alias “Putik,” Lourdes, alias “Tomboy,” Tomas, Rading at Ronald B., ang nasa likod naman ng crooked gambling na mga color games sa nasabing rehiyon.

Ang gambling den ay nasa Barangay  Dolores (intersection), San Fernando City, Pampanga; sa Barangay Balite; sa St. Jude Village; sa Bacolor, gilid ng munisipyo; sa Barangay Kutkut sa Angeles City at sa Marquee Mall, Angeles City.

About Mario Alcala

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *