Bookies karera ni Jeff sa Manila
Almar Danguilan
October 1, 2015
Opinion
IBANG klase talaga ang apog nitong isang alyas “Jeff Kon Cepsion” na nagpapatakbo ng ilegal na sugal sa Manila. Ops, hindi lang basta isang lugar o distrito ang area of operation ng bookies sa karera ng kumag, kundi halos buong Manila.
Ganyan kalakas ang loob ni Jeff Kon Cepsion sa pagkakalat sa teritoryo (ng minsang binansagan ni Gov. Chavit Singson na “lord of all jueteng lords”) na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.
Kung magkagayon, hindi na nakapagtataka kung bakit todo-todo ang operasyon ng nagkalat na bookies ni Jeff sa Manila.
Iniyayabang ng grupo ni Jeff Kon Cepsion na kaya maluwag silang nakapagsusugal sa Manila dahil ‘nabili’ na nila ang lahat na dapat nang mabiling opisyal ng lungsod. E si Erap, kabilang na kaya sa nabili? Ano sa palagay ninyo?
Marahil ay hindi, pero ang tanong, bakit malayang- malaya si Jeff sa pagpapasugal sa Maynila?
Kung sinasabi ng mga bataan ni Jeff na nabili na nila ang lahat nang dapat mabiling opisyal sa Manila (kabilang na marahil dito ang MPD) well, maaaring totoo kasi untouchable na ang bookies ng mama na nasa AOR ng Manila Police District Station 4 (Sampaloc); MPD Station 3 (Sta. Cruz); MPD station 1; MPD Station 2 at MPD Station 7 (Tondo).
Ganyan kalawak ang operasyon ng bookies sa karera ni Jeff sa Maynila.
Ang masaklap, ang bagong ipinamamalita ng kampo ni Jeff, maging ang NCRPO ay kanya na ring nabili.
Naku, dahan-dahan ka Jeff, mukhang hinahamon mo ang kaibigan kong si Chief Supt. Joel D. Pagdilao, NCRPO Director. Hindi ganoon si Gen. Joel. Ilan taon ko rin nakasama ‘yan sa QCPD ang best police district.
Lakay Joel, mukhang hinahamon ka ng hung-hang na si Jeff, ipakita mo sir na iba ka sa lahat lalo na sa MPD na walang aksyon laban kay Jeff.
MPD na nabili na raw ni Jeff.
Ngayon, iniyayabang naman ng kampo ni Jeff na maging ang NCRPO ay hawak na niya sa leeg. Ibang klase ha. Naniniwala tayo at ang marami na hindi ka nabibili Gen. Joel. Bigyan mo nga ng kaliwa’t kanang nga danug iti nagpuskul nga rupa na ni Jeff.
3rd Antique 100 Miles Endurance Run
Naging matagumpay ang ginanap na 3rd Antique 100 miles endurance run nitong nakaraang weekend.
Nagsimula ang takbo sa harapan ng Kapitolyo ng San Jose Buenavista, Antique hanggang Caticlan, Aklan.
Dakong 10pm ng Setyembre 25 nang magsimula ang takbo habang ang cut off time ay 6am ng Setyembre 27.
Sa patakbo, 21 runners ang sumali pero 57% lang ang nakatapos. Hindi nga tayo pinalad na makatapos. Bumigay ang tuhod ko sa 98 kilometers. Sayang pero hindi po tayo nagsisisi sa pagdedeklara ng DNF (did not finish) at sa halip, I made the right decision kaysa pipilitin at baka may mangyari pang malala sa tuhod ko. Bulong ko sa inyo ang totoo… tumatanda na kasi kaya bumibigay na ang tuhod. Hehehehe.
Among 21 runners who started the race only 12 crossed the finish line.
Napakahirap ng route – rolling, flat na napakahaba na ‘di mo alam kung saan ang katapusan. Tapos, buhos ang ulan sa una at ikalawang gabi. Pero ang lugar, maganda – virgin forest (mountains) at nasa tabing dagat ang highway. Tahimik ang lugar – para bang walang nangyayaring krimen sa mga dinaanan naming mga bayan mula San Jose to finish line. Lamang, napakahirap maghanap ng carinderia o kainan.
Anyway, congrats Army Maj. Gen. Jovenal “Jovie” Narcise (retired) president and founder of Philippine Association of Ultramarathon.
Salamat din sa matibay at nag-iisang support crew namin na si Fides, utol ni ultrarunner Bong Anastacio. Heto ang mga nanalo: 1. Rod Losabia (Overall Champion) 24:42:27; 2. Ariel Briones (1st Runner-Up, Overall) 26:55:36; 3. Aldrin Pallera (2nd Runner-Up, Overall)27:16:45; 4. Bong Anastacio -28:22:46; 5. Mylene Pura (Champion, Female) — 28:22:48; 6. Jon Borbon — 28:23:28; 7. Ador Badong Sietereales — 29:34:55; 8. Gia Estrella (1st Runner-Up, Female) —29:38:58; 9. Jonathan Moleta 29:57:04;10. Amor Gabriel —29:57:06;11. Alvin Ceasar —31:28:50; 12. Glenn Rosales —31:48:08.
Pahabol: Salamat din sa support crew ni Kat. Hindi rin nila ako pinabayaan. Bawi sa sunod na takbo – 200 KM West Coast sa October 31 to Nov. 2, 2015.