Sen. Bongbong Marcos kakasa sa mas mataas na posisyon
Joey Venancio
September 30, 2015
Opinion
KINOMPIRMA kamakalawa ni Senador Bongbong Marcos ang kanyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.
Ibig sabihin ay presidente o bise presidente ang kanyang target. Malaking banta siya sa mga naunang nagdeklarang presidentiables at vice presidentiables. Baliktaktakan ito.
May “solid north” na boto ang batang Marcos. Tiyak ding makakukuha ng malaking boto sa Samar-Leyte dahil sa kanyang Waray na nanay, si ex-First Lady at kasalukuyang congresswoman na si Imelda Romualdez-Marcos.
Kung Presidente ang tatakbuhin ni Bongbong, siguradong balwa-balwarte na ang labanan ng presidentiables. Ang saya, saya!!!
Sa kasalukuyan, tatlo palang ang deklaradong tatakbo sa pagka-presidente. Ito’y sina Vice President Jojo Binay, ex-DILG Sec. Mar Roxas at Senadora Grace Poe.
Sa latest survey ng Pulse Asia, makikita na kanya-kanyang balwarte ang tatlo. Si Poe na nakakuha ng pinakamataas na rating na 26% ay paborito ng taga-Metro Manila at Luzon, habang si Roxas na nakakuha ng 20% ay naghahari sa Visayas, at si Binay ay nakaipon ng 19%, samantalang ang hindi pa nagdedeklarang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay may 16% mula sa solid Mindanao.
Ibig sabihin, kapag si Marcos ay kumasa rin sa highest position tiyak ang kanyang solid north plus bilang ng mga Waray.
Paano pa kung si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ay kumasa rin? Royal rumble ito! Ang may pinakamaraming pera na ang tiyak na mananalo.
Twelve days na lang po, filing na ng certifcate of candidacy. Yahooo!!!
4 buwan nang ‘di nakatatanggap ang 4Ps beneficiaries sa Quezon
– Sir Joey, pakitanong po kay Sec. Dinky Soliman. Kasi ang beneficiaries po ng 4Ps dito sa liblib na lugar ng bayan ng General Luna at Catanauan, Quezon ay apat na buwan nang hindi nakatatanggap. At ‘yung mga may ginagamit na cash o card o ATM ay tuwing 2 buwan. Wala pong paliwanag ang money link kung bakit at anong dahilan. Itatanong lang po namin kung ito po ba ay tuloy-tuloy pa at saan po ba napupunta ‘yung nababawas? Kasi hindi po ito kompleto na natatanggap ng mga grantee. Sec. Soliman nakikita namin sa TV, paki-paliwanag po ng tunay na batas ng 4Ps. Ano ang bawal at ano ang dapat sundin ng mga miyembro nito? Dito kasi sa lugar namin ang batas ng 4Ps ay maglinis ng kalsada, magtrabaho sa barangay kung ano ang puwedeng gawin, hinihingan ng contribution o ‘yung mga ambag, halos wala na matira kasi dami humihingi. Kulang naman nakukuha. Nagtatanong lang po kami. Sabi po kasi ni Pangulong Aquino monthly tatanggap mga grantee ng 3 hundred kung tatlo ang kasali anak. Mali po yata ang paliwanag sa TV ng Pangulo kada 3 buwan. Pangulo hindi po kada buwan… Paki-check po madam Soliman. Sir Venancio, napakalaking sablay ng Pamilyang Pilipino Pantawid Program. – 0927970….
Maliwanag po ang batas ng 4Ps, ‘yung mga nagpapatupad lang nito sa field ang mga loko. Kinakatkong! Ang dapat siguro riyan sa 4Psmoney ay i-convert sa livelihood, hindi cash. Para mabanat ng boto ang mga grantee at hindi ang maghintay lang. Katamaran ang dulot ng 4ps. Bakit noong walang 4Ps ay wala namang mahihirap na mamamayan na nagrereklamong nagugutom. Kasi lahat ay nagtatrabaho at ‘di umaasa sa gobyerno!!! Actually si eMacapagal-Arroyo ang nagsimula nitong 4Ps. Siya ang dapat pasalamatan ng mga mahihirap, hindi si PNoy…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015