Friday , December 27 2024

Paglobo ng bilang sasakyan sanhi ng grabeng trapik

00 pulis joeyMATAPOS maganap ang “carmageddon” o ang matinding pagsikip sa daloy ng trapiko na pumaralisa sa buong Kamaynilaan noong Setyembre 8, nagpa-interview si PNoy kay Tina-Monson Palma sa programa nitong “Talkback” sa ANC at isinisi sa paglobo ng bilang ng sasakyan ang paglala ng trapiko.

Totoo nga ito, ngunit ang kabiguan ng pamahalaan sa paggawa ng mga kalsada at ang paglala ng sitwasyon ng MRT ang isa sa malaking kadahilanan sa matinding trapiko na nararanasan sa lungsod ngayon.

Kahit pa man maraming nababanggit na Public Private Partnership (PPP) projects ang ating gobyerno, tila ‘yung Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) sa ngayon ang nag-iisang PPP project na nakompleto sa ilalim ng administrasyong Aquino, na naantala nang isang taon dahil sa problema sa right of way (ROW) at pagpapalit ng disenyo.

Nakalulungkot lang isipin na mayroon namang isang importanteng road project na matagal nang nakabinbin na pwedeng makatulong ibsan ang lumalalang sitwasyon ng trapiko at port congestion kung pabibilisin lang ng Malakanyang ang pag-apruba sa pagpapagawa nito.

Ito ang NLEX-SLEX Connector Road na iminungkahi ng Manila North Tollways Corp. (MNTC) noon pang 2010, pero hanggang ngayon ay tila hindi binibigyang-pansin ng gobyerno.

Ngayong nakapagpasya na ang gobyerno makalipas ang limang taon na idaan na lang sa isang Swiss Challenge, tila tinutulugan naman ng NEDA Board na pinamumunuan ni PNoy mismo ang pag-apruba sa proseso ng pagsusubasta ng connector road project, na ang layunin ay gawing 15-20 minuto na lang ang biyahe sa pagitan ng NLEX at SLEX.

Sinabi ni PPP Center director Cosette Canilao noong Hulyo na isasama sa usapin ang Swiss Challenge para sa Connector Road project sa susunod na pagpupulong ng NEDA Board. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ito napag-usapan sa huling meeting ng NEDA Board nitong Setyembre 8.

Hindi pwede at hindi dapat tumunganga ang ating gobyerno. Kailangan na nitong kumilos agad at basbasan na ang pagsisimula ng NLEX-SLEX Connector Road ngayon din nang sa gayon ay matapos ito sa completion target na 2019.

Ito lang ang mabisang paraan upang hindi na muling magkaroon pa ng mga nakapeperhuwisyong ‘carmageddon’ at port congestion sa Kamaynilaan sa hinaharap.

Anong say n’yo, bayan?

Mga estudyante ng Sauyo High School lulong na sa video karera at cara y cruz

– Sir Joey, paki-kalampag naman po si Kapitan Apo sa Barangay Sauyo. Talamak na po rito ang video karera. Mga estudyante ng Sauyo High School nalululong na, nahuhuli ng mga magulang sa video karera at cara y cruz. Marami nag-aaway mag-asawa dahil sa mga sugal na cara y cruz. Sana maaksiyunan ito ng barangay lalo ng kapulisan. Matagal na po kasi ito. Ang dami nang napeperwisyo ng ka-barangay. Wag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Hinaing nga mga driver na nag-renew ng lisensya sa LTO-Tutuban

– Sir Joey, isa ako sa maraming nag-renew ng driver license sa LTO Tutuban (Manila). Nag-renew ako May at nagsara sila ng Sept. Tapos tinuro kami sa Tayuman. Wala raw, sabi ng Tayuman. December pa raw. Ang dami namin galing Tutuban. Ang iba ayaw na, tapos nabayaran ang tagal. Resibo lang hawak namin, may tatak lang ng temporary license. Gusot gusot na ang papel saa tagal. Yan po ang hinaing namin mga driver. – 09109901…

Pareho lang tayo ng problema, pare ko. Temporary license ngayon ang hawak ko. Diyan din ako sa Tutuban nag-renew. Hintayin na lang natin, lalabas din siguro ‘yan bago mag-expire uli ang hawak nating temporary license. Tutal hindi na natin problema ‘yan, problema na ‘yan ng LTO. Kaya hindi nila tayo puwedeng kasuhan ng “driving w/o license” kapag nahuli sa kalye.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *