Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Central Park NYC, ‘di umepek kina Sam at Jennylyn

092815 sam jennylyn

00 fact sheet reggeeNATUWA kami sa full trailer ng PRENUP movie nina Sam Milby at Jennylyn Mercado na idinirehe ni Jun Robles Lana handog ng Regal Entertainment na ipalalabas na sa Oktubre 14, nationwide.

Kung tutuusin ay common na ang istorya ng PRENUP na tungkol sa anak mayaman na ikakasal sa mahirap na hindi pabor ang magulang kaya papipirmahin ng pre nuptial agreement para hindi makakuha ang mahirap kapag naghiwalay o may nangyari sa asawang mayaman.

Pero maganda at nakatutuwa ang pagkakadirehe ni Lana na kinunan pa niya sa New York City, USA ang pagliligawan nina Sam at Jennylyn na unang nagkakilala sa eroplano.

Hanggang sa bumalik sila ng Pilipinas at nagpaalam ng magpapakasal sila sa magulang ni Sam na sina Freddie Webb at Jackyln Jose na tutol na tutol kay Jennylyn na ang kinagisnang magulang ay ang gay lovers na sina Gardo Versosa at Dominic Ochoa.

Romantic-comedy ang PRENUP at ang ganda ng rehistro ng dalawa sa screen bagay na bagay sina Sam at Jennylyn, sayang nga at hindi naging sila.  Hmm, mukhang sa kanila lang hindi umepek ang pinagsyutingan nilang Central Park, NYC na roon nag-shooting ang mga pelikulang Maid In Manhattan, Serendipity, Eat Pray Love, Autumn In New York, One Fine Day na tumatak sa amin dahil dito nagkain-love-an ang mga bida.

Anyway, baka naman puwede pang humabol si Sam kay Jennylyn lalo’t nagsabi ang aktres ng, “hindi naman siya (Sam) nagpaparamdam, hindi nagsasalita.”

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …