Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coffee shop sa loob ng Snow World

092615 coffee shop snow world star city
KASABIHAN na nga, ano ba ang sasarap pa sa mainit na kape kung winter? Pero iyan ay hindi natin nararanasan dahil wala namang winter sa Pilipinas. Pero ngayon ay puwede na iyan, dahil mayroon ng isang coffee shop sa loob mismo ng Snow World sa Star City.

Matapos mamasyal at ikutin ang mga bagong ice carvings na nagtatampok ngayon sa mga sikat na comic heroes at mga anime character, at bago ninyo subukang magpadulas sa pinakamalaking man made ice slide sa buong mundo ngayon, maaari muna kayong uminom ng masarap na kape na sadyang inihanda ng mga barista sa loob ng Snow World. Isang naiibang karanasan na uminom ng mainit na kape sa isang mesang gawa sa yelo, habang nakaupo ka sa isang stool na gawa rin sa yelo. At siyempre magkakaroon kayo ng pagkakataong matikman ang masarap na kape mula sa pinaghalong Arabica at Robusta coffee beans.

Maaari rin kayong magpakuha ng litrato kasama ang isang live snowman sa loob mismo ng mga log cabin na mayroong fireplace, o kaya ay gumawa ng sarili ninyong snowman, habang naglalakad kayo sa “snow area” na umuulan ng snow.

Kakaiba at natatangi ang karanasan sa loob ng Snow World. Ang Snow World ay bukas mula 44:00 ng hapon araw-araw mula Lunes hanggang Huwebes, at mula 2:00 ng hapon mula Biyernes hanggang Linggo.

Ang Snow World sa Star City ang nag-iisang entertainment attraction sa Pilipinas na may snow at nananatiling taglamig sa buong isang taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …