Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, tuloy pa ba o hindi na sa Mr. and Mrs. Split?

092315 kris Aquino herbert derek

00 fact sheet reggeeHINDI na kami binalikan ni Boy Abunda tungkol sa final decision ng Star Cinema kung sino na ang leading man niKris Aquino sa pelikulang Mr. and Mrs. Split na entry sa2015 Metro Manila Film Festival.

Nabalita kasing papalitan na si Quezon City MayorHerbert Bautista ni Derek Ramsay dahil aabutan daw ng election ban.

At baka magkaroon ng problema sa parte ni Bistek na baka punahin ng taumbayan na mas inuuna pa nitong mag-shooting ng pelikula kaysa ayusin ang problemang kinakaharap ng Quezon City tulad ng trapik at marami pang iba.

Hindi sinasagot ni Kuya Boy ang text messages namin noong Miyerkoles ng tanghali tulad ng pangako niya ng huli naming makausap na sasabihan kami ng update.

Maging ang publicity head ng Star Cinema na si Mico del Rosario ay tinext din namin pero deadma rin.

May nakatsikahan kaming taga-ABS-CBN, ”saan ba kasi galing ang tsikang si Derek na ang leading man ni Kris? Si Herbert pa rin, hindi nabago.”

Sabi namin na sa nakaraang presscon ng Etiquette for Mistresses ay nabanggit ni Kris na kailangan muna nilang humingi ng permiso sa MMDA para sa pagbabago ng pelikula at nabanggit ding tuloy niyang gagawin ito kasama ang anak na si Bimby.

At nang tanungin kung si Bistek pa ang leading man ay hindi na sumagot ang Queen of All Media dahil nakatitig na raw sa kanya ang Star Cinema executive na si Roxy Liquigan.

Nagtanong ulit kami sa isa pang taga-ABS-CBN tungkol sa meeting at mabilis kaming sinagot ng, “huh? Wala namang meeting ah, taping ng ‘AA’ (Aquino and Abunda Tonight) ang mayroon, meeting waley.”

 FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …