Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy, bagay sa Celebrity Playtime dahil sa pagiging articulate

103114 billy crawford

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Billy Crawford, hindi na maitatangging paborito siya ng ABS-CBN dahil nasa ikatlong linggo pa lang umeere ang Your Face Souns Familiaray heto at maglo-launch na naman siya ng bagong game show, ang Celebrity Playtime na mapapanood na sa Sabado, Setyembre 26 bago mag-Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Bonggacious ang career ni Billy dahil halos puro mukha na niya ang mapapanood sa telebisyon dahil sa It’s Showtime na umeere tuwing tanghali ng Lunes hanggang Sabado at kinagabihan ay may YFSF naman hanggang Linggo.

Kaya tinanong namin ang business unit head ng bagong game show na si Lui Andrada kung bakit si Billy ulit?

“Eh, kasi siya ‘yung bagay sa show, makulit, masayahain, marunong sa mechanics at very articulate.

“Bihira kasi ‘yung host na hindi magaling sa mechanics kasi kapag lito ang host. At saka alam naman natin kung gaano kagaling si Billy,” sabi sa amin ng TV executive.

Sabi pa ni Luis ay original concept ito ng grupo nila na ipinakit sa ABS-CBNmanagement at hindi franchise.

Sana nga raw ay tangkilikin ito para naman magustuhan ito sa ibang bansa at sila naman ang bumili ng franchise.

Nakatsikahan namin si Lui pagkatapos ng Q and A ng Celebrity Playtimepresscon,” noong nag-brainstorming kami nito, inisip namin ‘yung mga contestant ng ‘Your Face Sounds Familiar’ season one kung paano na at sana mapanood sila sa programang.. kasi ang saya, kaya sabi namin na pagsama-samahain silang lahat kasi ang ganda ng bonding ng grupong ito.’

“So, parang na-realize namin ‘Bakit hindi tayo mag-isip ng isang programa na puwede nating magamit at mai-share sa audience ang nabibigay nila?’

“Kasi, ‘di ba, sa mga ganitong mga panahon na maraming problema, maraming issues, parang iba talaga ‘yung naibibigay ng mga programang masaya lang sa viewers kasi nakalilimutan nila ‘yung problema nila sa buhay.”

Napansin naming parang mahirap itong maintindihan ng common viewer dahil maraming pagdaraanan bago makuha ang jackpot prize.

“Kailangang makatatlong panalo ka para maging defending champion ka and then another team ang hahamon sa inyo,” sabi ng executive.

At nang i-present daw nila sa management ang programa ay nagustuhan kaagad at ‘yung ipinakita nila ang eere sa Sabado, Setyembre 26.

Ang unang episode nila ay ang Your Face Sounds Familiar Season 1 finalists na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzmanversus Deal Or No Deal stars na sina Long Mejia, Eric Nicolas, Dennis Padilla, at Epy Quizon.

Sabi naman ni Billy tungkol sa bago na naman niyang programa, ”honestly, I just try to do the best I can as a host, I really don’t think of any competition.

“Not being overconfident or anything, kung sa akin lang, I just want to concentrate on my part, sa trabaho.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …