Preso namatay habang nasa custody ng CID Pasay-PNP
Mario Alcala
September 24, 2015
Opinion
TAMEME ang ilang kagawad ng media tungkol sa pagkamatay ng isang lalaking preso habang nasa custody ng Station Investigation Detectives and Management Section detention cell ng Pasay City police.
Ang pagkamatay ng preso ay masusi nang pinaiimbestigahan ni Mayor Tony Calixto kay Pasay City chief of police (COP) Senior Supt. Joel Doria.
Sa nakalap nating info, natagpuang wala nang buhay ang preso sa loob ng selda (male detention cell) kahapon ng umaga.
May palatandaan na namatay daw sa gulpi ang preso bago natagpuang hindi na humihinga.
Ang nasabing insidente ay inimbestigahan na rin ng mga imbestigador ng Southern Police District Scene of the Crime Operatives (SPDO-SOCO) na nagsagawa ng imbestigasyon sa male temporary detention cell ng SIDMS.
Ang male detention cell ng SIDMS ay nasa right wing at nasa ground floor ng gusali ng Pasay City Jail. Si Chief Inspector Baula ang hepe ng SIDMS-Pasay City police.
Anyway sa pagkakaalam natin ay may batas sa loob ng male detention cell ng Pasay Police-SIDMS. Ang bagong pasok na detenido, may tinatanggap na ‘takal’ mula sa kapwa detenido. Kundi suntok, batok at sipa.
Ang tanong, sino ang mananagot sa pagkamatay ng inmate?
Mga pahaging lang
Anthony Connection
MATINDI pa rin daw ang bentahan ng illegal na droga (shabu) sa ilang lugar sa Pasay.
Sinasabing ang connection ni Ara ay inilipat na raw sa kamay ni Anthony. Si Ronald ng DEU-Pasay-PNP ang nakaaalam.
Anyway, mahigpit ang utos ni PNP chief director general Ricardo Marquez na dapat masugpo ang bentahan ng illegal na droga mula sa lower level ng barangay.
Sino si Philip Sy?
NAPATUNAYAN na tuloy pa rin ang smuggling ng asukal sa kabila na si Bert Lina na ang itinalagang commissioner sa bulok na Bureau of Customs.
Kamakalawa ilang container vans na naglalaman ng smuggled na imported na asukal mula sa Thailand ang inalerto, kinompiska ng mga tauhan ni BoC-IG chief Jesse Dellosa. Ang smuggled na asukal ay pagmamay-ari umano ng isang Philip Sy, ayon kay ex-LTO chief Virgie Torres.
Dahil maimpluwensiya ang nakialam na ‘fixcalizer” tameme si Dellosa sa usaping smuggling ng imported na asukal sa pier.
Gambling den ni rose sa Gen. Trias, Cavite
TALAGANG makapal daw ang apog ng perya-gambling financier na si Rose.
Kahit na raw may transmittal message ang command ng PNP sa Cavite na ipinagbabawal ang 1602 ay itinutuloy pa rin daw ni Rose ang kanyang pa-crooked gambling na color games at iba pang uri ng sugal lupa na nasa Barangay Sta. Clara.
Sa isang bakanteng lote sa Jollibee sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, hindi rin hinuhuli ng local PNP ang pasugal na color games nina Jason, Buknoy sa nasabing lugar.
Ano kaya ang hawak na kamandag nina Rose, Jason, Buknoy sa kanilang pasugal lupa?
Naku po! Cavite, OIC, Senior Supt. Eliseo Cruz, pakitanong n’yo na lang sir kay Mang Dominador, alias semento, bakal at buhangin.