Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, napipi nang tanggapin ang Fernando Poe Memorial Award

092315 coco martin Famas

00 fact sheet reggeeHINDI halos makapagsalita si Coco Martin nang tanggapin ang tropeong Fernando Poe Memorial Award mula sa Famas na ibinigay ng manager niyang si Biboy Arboleda sa presscon ng Ang Probinsiyano.

Abala si Coco sa promo ng serye niya sa Naga City kaya hindi niya personal na natanggap ang tropeo.

Mahigpit ang hawak ng aktor sa tropeo at tinititigan, “humihingi po ako ng paumanhin dahil hindi ako nakarating kahapon (Famas Awards night) dahil sa commitment ko po sa Naga.

“Sobrang laking karangalan po i to para sa akin dahil sa napakabatang panahon ko para sa industriya ay nabigyan ako ng ganitong klaseng award.

“Sabi ko nga po rati, hinahangaan po namin ng lola ko si FPJ, ngayon po ginawaran ako ng karangalan sa pangalan po ni Fernando Poe, Jr.

“At sana po, bilang artista, ‘yung mga bagay na kanyang sinimulan, mga adhikain para sa ating industriya sana maging daan din po ako para makatulong din sa industriya, maraming salamat po.”

May mensahe naman si Ms. Susan Roces sa itinuring na apo sa showbiz, “ang karangalang iyan ay mula noong pumanaw si FPJ, naisipan naming bigyan ng karangalan ang mga tao lalo na sa industriya na nagsasabuhay sa mga adhikain ni FPJ.

“At sa taong ito, si Coco ang karapat-dapat na tumanggap niyan, congratulations, Coco.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …