NAKABIBINGI ang mga hiyawan ng mga nanood ng On The Wings Of Love noong Huwebes dahil finally, naglapat na ang mga labi nina Clark (James Reid) at Lea (Nadine Lustre) na matagal ng hinihintay ng viewers.
Imagine, halos isang buwan nabitin ang mga tao sa kahihintay sa most awaited kissing scene ng dalawang bida na talagang trending sa social media at umabot sa 2 million tweets ang tinawag na #OTWOLMost ApprovedKiss sa buong mundo.
At dahil sa Most Approved Kiss episode na ito ay nakamit ng On The Wings Of Love sa national TV rating na 24.8%, ang pinakamataas na rating ng show ngayong buwan.
Anyway, as early as 8:00 a.m. ay marami ng nakapila sa Fairview Terraces mall noong Sabado para sa signing of scrap book nina James at Nadine na sadyang ginawa ng ABS-CBN Publishing para sa kanilang supporters.
Hilong talilong nga ang mga guwardia ng mall dahil hindi nila ini-expect na ang aga-agang dumating ng mga tao considering na 3:00 p.m. pa ang event nina Clark at Lea.
Hindi siguro na-anticipate na dadagsain ng tao ang dalawa, dapat sa open field ginawa ang event, “eh, paano kung umulan?” ito naman ang hirit sa amin ng taga-Dos.
FACT SHEET – Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
