Friday , November 15 2024

Crackdown vs ‘tong’ syndicate na Baclaran 7 iniutos ni Mayor Edwin Olivarez

00 Bulabugin jerry yap jsyPINALALARGA na ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang imbestigasyon laban sa ‘TONG SYNDICATE’ na kung tawagin ay Baclaran 7, na nagpapasok ng illegal vendors kabilang na ang foreign traders kapalit ng kanilang itinatakdang ‘TARA.’

Sa impormasyong nakalap, nabatid na tumatabo nang halos P1 milyon ang nasabing sindikato mula sa tong at tara na kinokolekta nila sa mga illegal vendor at illegal foreign traders.

Sa record ng City Market Office, 300 vendors na nagbabayad ng P300 ang pinayagan nilang magtinda mula sa Service Road patungong Airport Road.

Pero nang kanilang inspeksiyonin mayroong 900 illegal vendors ang namamayagpag sa proteksiyon ng nasabing Baclaran 7.

Tinukoy na ang pumopronta bilang Baclaran 7 ay isang alyas Jojo na sinabing dating empleyado ng Bureau of Immigration; isang alyas Eve, na sinabing mataas na opisyal sa City Hall; at isang alyas Adam na konektado umano sa Southern Police District (SPD).

Kung mapapatunayan ni Mayor Olivarez na walang kakayahan ang mga hepe ng Police Community Precinct (PCP) sa Baclaran, Tambo at La Huerta na linisin ang mga illegal vendor na nagiging dahilan ng grabeng traffic sa nasabing lugar hindi umano siya mangingiming ipasibak sila sa kanilang mga puwesto.

Overstaying na nga raw ng Baclaran PCP commander diyan!

Inutusan na rin ni Mayor Olivarez si Kernel Ariel ‘overstaying’ Andrade na mahigpit na i-monitor ang aktibidad ng mga vendor sa nasabing bisinidad.

Alam nating parang bumabangga sa pader si Mayor Olivarez sa kanyang layunin na linisin ang Baclaran.

Pero mas naniniwala tayo sa kawagasan ng layunin ni Mayor Olivarez kaysa kaswapangan sa kuwarta ng kung sino mang mga nagpapatakbo sa Baclaran 7.

Sana lang kapag nahuli ‘yang mga nagpapatakbo ng Baclaran 7 — ibilad sa init ng araw doon mismo sa Baclaran at isa-isang ipakurot sa mga vendor na kanilang kinikikilan…

Sulong Mayor Olivarez, ibagsak, hulihin at ipakulong ang mga mangingikil/protektor ng illegal vendors.

Sino ang magbabanggaan sa VM?

Calixto vs Lito sa Pasay City

NGAYON deklarado na kung sino ang tatapat kay Pasay City Mayor Antonino Calixto sa darating na May 2016 elections, tila nag-uumpisa na rin ang iba’t ibang pulong-pulong sa lungsod.

Pero mas malakas ang bulungan kung sino ang itatapat ni Mayor Calixto kay Vice Mayor Marlon Pesebre.

SI VM Pesebre kasi, ay balitang kakandidato ka-tandem si Dr. Lito Roxas.

E ‘di ibig lang sabihin, wala pang VM si Mayor Calixto?!

Pero marami na rin daw nagkalat na tarpaulin sa Pasay City si Boyet del Rosario.

At kumakalat na nga ang slogan na… “Laging may lagay sa barangay…” ay mali, “Laging kadamay sa barangay…”

E ang bali-balita, malakas daw sa mga barangay chairman si Boyet del Rosario dahil napakagaling mag-ayos.

Ano kayang ipinang-aayos ni Boyet sa mga punog barangay?!

Pero pagdating sa mga kagawad at sa constituents, ‘alang dating daw si Mang Boyet?!

Makaya kayang tapatan ni Boyet ang estilo ni Marlon Pesebre?!

‘Yan ang pinakaaabangan ngayon sa Pasay City!

Immigration Officer may Uber business na agad-agad!? (Attn: Ombudsman)

Marami ang nagsasabi sa airport immigration na hindi lang daw si TCEU Vienne Liwag ang dapat imbestigahan tungkol sa kanyang pamamasahero sa NAIA.

Very prominent din daw ang kanyang BFF na isang IO CARLO ALBAO.

Basta magkasama raw sa duty ang dalawang ito, 4 hanggang 6 na pasahero na kadalasang walang working permit bawa’t araw ang malayang dumaraan kay IO Albao kaya naman hindi nakapagtataka kung ito ngayon ay biglang naging “mucho dinero” na?

SOJ Leila De Lima, would you believe na certified owner na raw ng ilang UBER Cars si IO Albao?

 Aba heavy-gat ka pala bata!?

Three years ka pa lang na isang Immigration officers pero isa ka nang lehitimong negosyante?

What the fact! Isa kang henyo,bata!

Dinaig mo pa ang maraming beteranong organic employees sa Bureau of Immigration (BI) na nakuba na sa pagtatrabaho pero wala pa rin naipundar dahil takot gumawa ng kalokohan.

E kung totoo nga ang info na ito, saan naman kaya naharbat ‘este’ nakuha nitong si IO Carlo Albao ang kanyang ipinambili ng mga sasakyan para ipasok sa UBER?

Hindi nga ba at napakaraming umaangal sa BI ngayon sa mga panahong ito dahil sa hirap ng buhay?

Kaya naman talagang nakaiinggit ang na-achieved nitong si IO Calabao ‘este’ Albao na under kay BI-POD Chief, Atty. Floro ‘libanan’ Balato?!

Uber-uber na pala ang mokong na ‘to!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *