Sunday , December 22 2024

‘LP’ kay Senator Grace Poe na rin (Pagkatapos magdeklara)

Grae Poe PNOYALAM nating lahat na nitong Miyerkoles ng gabi ay nagdeklara na si Senador Grace Poe na siya ay tatakbong presidente sa Mayo 2016.

Matagal nang pinag-uusapan ang pagtakbo ni Poe. May malaking bilang ng mga mamamayan ay inaasahan ‘yan. Ang ginawa ni Poe ay isang kompirmasyon na tatapatan niya ang dalawang pre-sidentiable na nagpalipad-hangin as in papansin (wala naman kasing nag-alok nang pormal) sa kanya para mag-bise presidente.

Paano ‘yan Mr. Old Man Binay and LP “trying hard, copycat” Congressman Egay Erice, nagdeklara na ang anak ni Inday at ni Panday?!

Itutuloy ba ninyo ang pagkasa sa Mayo 2016?!

Pero ano itong mga naririnig natin na marami na raw pong ‘LP’ ang pumanig na kay Senator Poe.

‘LP’ as in LIPAT na POE.

Talaga naman, only in da Pilipins!

Marami na ang naglulundagan sa kampo ni Senator Grace dahil gusto nilang mahawa sa mabagong imahe ng Senadora.

‘Yun bang tipong kahit hagisan ng ebak si Senadora Poe ay sila ang haharang para huwag makulapulan ang imahe ng anak ni FPJ.

Alam nating mayroon mga nagduda sa kakayahan ni Senator Grace na maipanalo ang kanyang laban, Kasi nga, ano ba ang laban ng popularismo kung wala naman silang makinaraya?

Pero nang magdeklara si Senator Chiz Escudero an siya ay tatakbong bise presidente sa partido ni Senator Grace, aba, isang tambalang wagas ang nakikita nating nabuo nang tapat.

At mukhang ‘yan ang formula na nagbibigay ng tibay sa tambalang POE-CHIZ.

Wala pang bise presidente sina Mar Roxas at Jojo Binay para sa 2016 bagama’t ipinagmamalaki nila na mayroon silang partido…

Ano ‘yan? partidong hindi kompleto?!

Sa bahagi naman ni Senator Grace, 20 ang inilatag niyang plataporma na para raw sa mahirap…

Magkaroon naman kaya ng implemantasyon?! Paano niya bibigyan ng itsura at katawan ang mga inilatag niyang plataporma?!

Siyempre ang isasagot nila diyan… “Subukan n’yo kami.”

‘Yun na… susubok na naman ang sambayanan… hay buhay alamang…

‘Yan, ‘yang buhay alamang na ‘yan ang hinding-hindi kayang pawiin ng mga politiko…

Bakit ‘kan’yo?

‘Yang mga buhay alamang na ‘yan lang kasi ang pirmi nilang nauuto.

‘Yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *