‘LP’ kay Senator Grace Poe na rin (Pagkatapos magdeklara)
Jerry Yap
September 18, 2015
Opinion
ALAM nating lahat na nitong Miyerkoles ng gabi ay nagdeklara na si Senador Grace Poe na siya ay tatakbong presidente sa Mayo 2016.
Matagal nang pinag-uusapan ang pagtakbo ni Poe. May malaking bilang ng mga mamamayan ay inaasahan ‘yan. Ang ginawa ni Poe ay isang kompirmasyon na tatapatan niya ang dalawang pre-sidentiable na nagpalipad-hangin as in papansin (wala naman kasing nag-alok nang pormal) sa kanya para mag-bise presidente.
Paano ‘yan Mr. Old Man Binay and LP “trying hard, copycat” Congressman Egay Erice, nagdeklara na ang anak ni Inday at ni Panday?!
Itutuloy ba ninyo ang pagkasa sa Mayo 2016?!
Pero ano itong mga naririnig natin na marami na raw pong ‘LP’ ang pumanig na kay Senator Poe.
‘LP’ as in LIPAT na POE.
Talaga naman, only in da Pilipins!
Marami na ang naglulundagan sa kampo ni Senator Grace dahil gusto nilang mahawa sa mabagong imahe ng Senadora.
‘Yun bang tipong kahit hagisan ng ebak si Senadora Poe ay sila ang haharang para huwag makulapulan ang imahe ng anak ni FPJ.
Alam nating mayroon mga nagduda sa kakayahan ni Senator Grace na maipanalo ang kanyang laban, Kasi nga, ano ba ang laban ng popularismo kung wala naman silang makinaraya?
Pero nang magdeklara si Senator Chiz Escudero an siya ay tatakbong bise presidente sa partido ni Senator Grace, aba, isang tambalang wagas ang nakikita nating nabuo nang tapat.
At mukhang ‘yan ang formula na nagbibigay ng tibay sa tambalang POE-CHIZ.
Wala pang bise presidente sina Mar Roxas at Jojo Binay para sa 2016 bagama’t ipinagmamalaki nila na mayroon silang partido…
Ano ‘yan? partidong hindi kompleto?!
Sa bahagi naman ni Senator Grace, 20 ang inilatag niyang plataporma na para raw sa mahirap…
Magkaroon naman kaya ng implemantasyon?! Paano niya bibigyan ng itsura at katawan ang mga inilatag niyang plataporma?!
Siyempre ang isasagot nila diyan… “Subukan n’yo kami.”
‘Yun na… susubok na naman ang sambayanan… hay buhay alamang…
‘Yan, ‘yang buhay alamang na ‘yan ang hinding-hindi kayang pawiin ng mga politiko…
Bakit ‘kan’yo?
‘Yang mga buhay alamang na ‘yan lang kasi ang pirmi nilang nauuto.
‘Yun na!
Guiguinto Mayor Boy Cruz, nag-OPM tulong sa mga taga-brgy. Tabe
Makaraang malathala sa ating pitak na BULABUGIN ang reklamo ng ilang residente sa Brgy. TABE Guiguinto, Bulacan na nangangamba at natatakot na maagawan at mawalan ng lupa na kinatitirikan ng kanilang tahanan ay ipinatawag at kinausap sila ni Guiguinto Mayor BOY CRUZ.
Nagulat pa raw si Yorme Boy Cruz kung paano nakaabot sa BULABUGIN ang isyu sa nasabing lugar at gusto rin niyang malaman kung sino ang nagparating ng reklamo/sumbong.
Kasama rin sa ipinatawag ni Yorme Ambrocio Cruz si Tabe Brgy. Kapitan Pogi para alamin kung ano raw ang magagawa niyang tulong para hindi mawalan ng tirahan ang mga apektadong residente.
Ipinako ‘este’ ipinangako daw ni Mayor Cruz na gagawin niya ang lahat upang ma-tulungan ang mga taal na residente ng Brgy. Tabe.
Very good Mayor Boy!
But promises are meant to be kept or broken?
Kahit hindi malinaw kung anong tulong ang gagawin ni Mayor Cruz ay umaasa ang mga taga-Tabe na tutuparin niya ang kanyang pangako sa kanila.
In short, sana’y hindi raw drawing ang usapan nila?!
Sino ba sa iyong mga ‘bata’ na nasa kusina ang pasimuno nang pagpapaalis sa mga residente para mapaboran ang isang subdivision developer?
Pakitanong nga kay utol!
Sasamantalahin na rin natin ang pagkakataon na iparating sa inyo ang ang iba pang hinaing ng mga taga-Guiguinto.
Mukha raw kasing lumalala ang problema kontra ilegal na droga at sugal sa iyong bayan, Mayor.
Papasok ka pa naman sa ikalawang termino mo bilang alkalde ng Guiguinto!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com