PINABILIB tayo ng mga estudyante ng UP Los Baños.
Sa lahat yata ng mga estudyanteng nakaharap ni Vice President Jejomar Binay, sila lang ang bukod tanging nagkalakas ng loob na isalang sa question and answer portion ang kontrobersiyal na opisyal.
Hindi sila ‘yung taga-palakpak, taga-tango at yeheeey lang basta-basta.
Gagawin nila ang mga bagay na ito sa tamang rason.
Ibang-iba sila sa mga estudyante ng mga eskuwelahan na naunang napuntahan ni VP Binay na puro palakpak at puri lang ang kayang gawin.
Ang mga estudyante sa UP Los Baños ay marunong magsuri at alam nila kung ano ang ipupukol na tanong lalo pa’t kaharap nila ang kinauukulan.
Talagang isang tunay na no holds barred forum ang napasukan ni VP Binay at walang nagawa kundi sagutin ang mga tanong na talaga namang sumuri sa tunay na rason kung nakit naghahangad si VP Binay na tumakbo sa pinakamataas na tungkuling pampolitika sa bansa.
Kabilang sa mga inukilkil ng mga estudyante ang isyu ng informal settlers at korupsiyon sa Makati. Kasunod nito, tinanong rin siya kung bakit niya inuupakan ang pamahalaan na matagal rin niyang kinabibilangan.
Saan ka nga naman nakakita na financial district ng buong bansa ay naglipanan ang informal settlers?!
Onli in the Filipins!
Inuulit po ng inyong lingkod, natutuwa tayo sa mga estudyante ng UPLB. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagiging mapanuri at huwag kayong matakot na magtanong.
Ang ating bansa ay mahigpit na nangangailangan ng mga kabataang katulad ninyo.
You are a bunch of endangered species.
Keep up the good job,guys!