UP Los Baños students mas matitikas at may paninindigan
Jerry Yap
September 17, 2015
Opinion
PINABILIB tayo ng mga estudyante ng UP Los Baños.
Sa lahat yata ng mga estudyanteng nakaharap ni Vice President Jejomar Binay, sila lang ang bukod tanging nagkalakas ng loob na isalang sa question and answer portion ang kontrobersiyal na opisyal.
Hindi sila ‘yung taga-palakpak, taga-tango at yeheeey lang basta-basta.
Gagawin nila ang mga bagay na ito sa tamang rason.
Ibang-iba sila sa mga estudyante ng mga eskuwelahan na naunang napuntahan ni VP Binay na puro palakpak at puri lang ang kayang gawin.
Ang mga estudyante sa UP Los Baños ay marunong magsuri at alam nila kung ano ang ipupukol na tanong lalo pa’t kaharap nila ang kinauukulan.
Talagang isang tunay na no holds barred forum ang napasukan ni VP Binay at walang nagawa kundi sagutin ang mga tanong na talaga namang sumuri sa tunay na rason kung nakit naghahangad si VP Binay na tumakbo sa pinakamataas na tungkuling pampolitika sa bansa.
Kabilang sa mga inukilkil ng mga estudyante ang isyu ng informal settlers at korupsiyon sa Makati. Kasunod nito, tinanong rin siya kung bakit niya inuupakan ang pamahalaan na matagal rin niyang kinabibilangan.
Saan ka nga naman nakakita na financial district ng buong bansa ay naglipanan ang informal settlers?!
Onli in the Filipins!
Inuulit po ng inyong lingkod, natutuwa tayo sa mga estudyante ng UPLB. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagiging mapanuri at huwag kayong matakot na magtanong.
Ang ating bansa ay mahigpit na nangangailangan ng mga kabataang katulad ninyo.
You are a bunch of endangered species.
Keep up the good job,guys!
Lito Roxas kumasa vs Mayor Tony Calixto!
AKALA natin ay lubusan nang mananahimik ang mga sinasabing bigating politiko sa Pasay City. Hindi pala.
Hayan mayroon pang alive and kicking na nagsalita at nagdeklarang, kahit anong mangyari tatapatan niya si Mayor Calixto.
Hayan na si dating Pasay Congressman Dr. Lito Roxas!
Sabi nga ng mga taga-Pasay, hindi rin matatawaran ang galing ni Dr. Roxas. At ang kanyang plataporma ay angkop na angkop umano sa mga taga-Pasay City.
Aba ‘e buong akala natin wala talagang kakasa kay Mayor Calixto, nagkamali pala tayo dahil ngayon ay meron na… (joke only but not really ahahaha)…
Mukhang magkakainitan rin talaga sa Pasay City sa darating na election 2016.
Palagay natin, ngayon pa lang ay maghanda na kayo mga taga-Pasay City dahil nariyan na ang tunay na laban!
Nasa inyong mga kamay na ang pipiliin n’yong karapatdapat na maglingkod sa inyo.
Busisiin raket sa on-line gaming (Avia Group) sa CEZA
Sa sinasabing kaugnayan ni Chinese fugitive Wang Bo sa ilang on-line gaming companies diyan sa CEZA, Cagayan, may mga mambabatas na nagmumungkahi na bakit hindi isalang sa masusing imbestigasyon at tuluyang i-operate ang lahat ng mga kompanya na pilit nagkukubli sa proteksyong ibinibigay ng CEZA?
Masyado raw nagiging untouchable ang ilang kompanya diyan na karamihan ay hawak ng gambling lord na si alias KIM WONG-BO.
Sinasabing ang “AVIA Group” ang kompanyang may hawak sa maraming on-line casinos sa bansa.
Dito rin daw nagmumula sa CEZA ang iba pang illegal on-line gaming businesses na ang karamihang nagtatrabaho ay foreigners na hindi malaman kung nasa tama ang pinanghahawakang working visa.
Talamak din daw ang visa-for-sale diyan gamit ang on-line gaming sa CEZA.
Dahil diyan, hindi nakapagtataka kung maging kanlungan ng mga puganteng nagmula sa mainland China at Taiwan ang CEZA dahil na rin sa proteksiyong naibibigay ng isang maimpluwensiya at untouchable clan diyan sa Norte.
Kernel Kupas este’ Tupas of BI-Intelligence, I suggest bakit hindi ito ang iyong i-case build-up at ipa-operate sa “ja-guars mo?”
Tila hindi bagay sa kalibre mo ang mga pipitsuging stalls ng mga tsekwa diyan sa Pasay-Baclaran!
Bakit mas madali ba ang aregluhan ‘este’ asuntuhin ang mga maliliit na stalls ng mga tsekwa kesa sa mga bigtime establishments gaya ng nasa CEZA?
Why don’t you go bigtime Kernel Kups?!
HBD, Grande del Prado!
Binabati natin ng isang maligayang kaarawan ang katoto natin veteran Camanava reporter Mr. Grande del Prado. Sana’y mas maraming taon pa ang selebrasyon ng iyong senior moments.
Happy happy Birthday!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com