Friday , December 27 2024

Sina Atienza at Bagatsing ang gumigiba kay Erap

00 pulis joeyTINGNAN n’yo… ang mga taong humila kay Erap para pumasok sa Maynila ang sila ngayong gumigiba sa dating Presidente na alkalde ngayon ng Lungsod para naman sa kanilang ambisyon sa 2016 elections.

Oo, ibang-iba ang takbo ngayon ng politika sa Maynila. Sina dating mayor at kasalukuyang partylist representative Lito Atienza, at last termer 5th District Congressman Amado Bagatsing na silang nagkumbinsi at sumuporta kay Erap na labanan si ex-Mayor Fred Alfredo Lim noong 2013 ay silang nag-iingay ngayon laban kay Estrada.

Samantala si Lim, na pinagtulungan nila noong wasakin ay tahimik lang, walang sinasabing anumang negatibo laban kay Erap, at pinakikinggan ang pagkumbinsi sa kanya ng marami na tumakbo uli sa pagka-alkalde sa darating na halalan.

Si Atienza ay tatakbong Senador pero ang kanyang anak na si Ali ay kakasang Vice Mayor.

Si Bagatsing naman ay nagdeklara na tatakbong mayor at ang kanyang running mate ay si Ali.

Kabado kasi sina Atienza at Bagatsing na kapag nakadalawang termino si Erap ay malamang hindi na bibitawan ang Maynila tulad ng ginawa niya sa San Juan City, na mula pa noong panahon ni Marcos hanggang ngayon ay Estrada ang naghahari.

Kapag lumusot nga naman si Erap sa 2nd term at humirit pa ng last term, malamang ang kasunod ay ipasa niya na ito sa isa sa kanyang mga anak o mga misis.

‘Pag nangyari ito, tapos ang ambisyon ng Atienza at Bagatsing na maging mayor alin sa kanilang mga kaanak.

Pakiramdam ko ay mas gusto ni Atienza na si Lim ang manalo (kung hindi man si Bagatsing) sa 2016.

Dahil kay Lim, mahaba nang makadalawang termino siya dahil na rin sa edad at walang pamamanahan ng kapangyarihan, hindi tulad kay Erap na may mga anak at asawa na gusto rin maging mayor ng lungsod pagkatapos nito.

Ito’y opinyon ko lang, pero malakas ang kutob ko na ito ang nasa isip nina Atienza at Bagatsing kaya inuupakan nila ngayon si Erap.

Say n’yo, Manilenyo?

Reklamo vs teachers sa Western Samar

– Reklamo ko po ang mga titser dito sa Western Samar. Late na kung dumating sa oras. Kung magpalabas naman ng estudyante alas onse palang. Araw araw po ganyan. Kaya ang nga bata walang natututunan. Sana aksiyunan na sila. Siguro nahawa sila ng prinsipal. – 0999332….

DPWH at MWSS ayusin n’yo na ang mga hukay ninyo sa Tondo

– Sir Joey, paki-kalampag lang po ang DPWH at MWSS sa mga hukay na ginagawa nila rito sa Juan Luna at Tayuman (Tondo, Manila). Dapat po 24/7 nilang ginagawa ‘yan. Grabe po ang trapik dito araw-araw. Kahit anong sipag ang gawin ng enforcers sa dami ng hukay nila ay walang magagawa ang mga MTPB. – 09436710…

Ilang buwan na ang hukay na ‘yan ng MWSS at DPWH sa Juan Luna at Tayuman. Last year pa nga yata nila binungkal ‘yan e. Iniwanan na yata ng mga kontraktor ‘yan e. DPWH Sec. Rogelio “Babes” Singson, Sir! Paki-pokpok mo naman ang mga kontraktor ng projects na nabanggit. Masyado nang perhuwisyo sa motorista at commuters ang nadudulot n’yan e! Aksyon!

Taga-Malakanyang ang pagtrapikin sa EDSA!

– Boss Joey, ang dapat magmando ng trapik sa Metro Manila lalo sa EDSA ay ang mga opisyal dyan sa Malakanyang para mainitan din sila sa sikat ng araw hindi iyong nagpapalaki lang kayo dyan ng puwet nyo sa malaming na opisina. Buti pa si Archbishop G. Rosales nagmamando pa ng trapik dyan sa Sto Tomas, Batangas. – Julius ng Romblon

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *