Wednesday , November 20 2024

Linawin ang isyu ng Balikbayan Boxes

balikbayan boxMAYROON pong dapat malaman ang ating mga kababayan sa isyu ng Balikbayan boxes.

Hindi po lahat ng gumagamit ng Balikbayan boxes ay nangangahulugang overseas Filipino workers (OFWs).

Nililinaw po natin ito, dahil mayroong napeperhuwisyo sa maling konsepsiyon na ang Balikbayan ay para sa OFW lamang.

Nagkakamali po tayo.

Nagagamit rin po ito, kahit hindi OFW ang magpapadala ng kahit anong item sa kanilang mga kaanak sa Filipinas.

Gaya ng nahuling sandamakmak na mamahaling relo at pabango na ipinadala sa pamamagitan ng Balikbayan box. Hindi po OFW ang may-ari ng nasabing Balikbayan box kundi viajera.

At kaya nabisto ang laman nito ay dahil sumailalaim sa Customs NAIA X-Ray Scanning Unit.

‘Yan po ang isang halimbawa ng pagsasamantala at paggamit sa Balikbayan boxes para makapagpuslit ng mga item na pinagkakakitaan nang malaki ng mga viajero.

Kaya ‘yung mga OFW at Netizens na galit na galit at nagpapahayag ng kanilang damdamin sa social media. Maghunos-dili po muna kayo.

Baka po nagagamit na ang damdamin ninyong ‘yan ng mga mahilig magpuslit.

Ilan sa kanila ay ‘yung pupunta sa Estados Unidos at magtatagal doon nang dalawa hanggang apat na linggo. Tapos magpapabalikbayan box ng items nila  na pwede nilang ibenta dito sa Filipinas.

‘Yang mga ganyan po, dapat talagang pagbayarin sila ng buwis.

Nakalimutan na ba ninyo ‘yung kaso ng isang doktor na madalas pumunta noon sa US at pagbalik ay may uwing walong (8) Balikbayan box na punong-puno ng products for beauty enhancements?!

Dati raw ‘e walang sumisita sa nasabing Balikbayan boxes ni “doktor.”

Pero under the new administration, nabusisi ang Balikbayan boxes ni “doktor.”

Nagbayad naman daw ng buwis si “Doktor.”

‘Yun lang, bigla rin tumaas ang singil niya sa kanyang services and beauty enhancement pro-ducts.

Dahil negosyo po ‘yan, e kailangan niya talagang magbayad ng buwis, kahit sa Balikbayan boxes pa nakalagay ang kanyang products.

Kaya mga suki, huwag po kayong magagalit sa NAIA Customs personnel na ginagawa lang ang kanilang trabaho.

Doon po kayo magalit sa mga mahilig magpalusot at magpuslit gamit ang balikbayan box!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *