Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, pinagmumura ang mga customer sa isang restoran

071015 Baron Geisler

00 fact sheet reggeeANO bang nangyayari sa mga artista ng ABS-CBN at lagi na lang nasasabit sa gulo?

Una, si JM de Guzman na balik-bisyo raw kaya bilang na lang ang araw sa All Of me at planong ibalik daw sa rehabilitation center, sabi mismo ng taga-Dos.

Ikalawa, si Enrique Gil na nalasing kaya nagwala at nag-ingat sa eroplano biyaheng London.

At ikatlo, si Baron Geisler na pinagmumura raw ang mga customer ng Luna J Restaurant sa may El Terrazo Building noong Linggo ng gabi.

Hmm, hindi kaya kasama sa eksena ang pagwawala at pagmumurang ito ni Baron habang nagte-taping ngNathaniel sa papel na Tagasundo o Gustavo?

Kuwento sa amin ng ilang customers na nagulat sila nang magmumura si Baron na nakaharap sa kanila na noong una ay dine-deadma nila ang malakas na boses nito, pero biglang tumalak nang husto.

Good thing hindi pinatulan ang aktor kaya wala namang gulong nangyari or else dinala na naman si Baron sa presinto o barangay.

Anyway, sabi ng isa sa customer, ”wala naman pong nasaktan, nag-trip lang siguro.”

Ano kayang sagot ni Baron sa balitang ito?

Hay naku, gusto na yata talaga naming maniwala sa nakatatawang sabi sa amin na kapag magaling na artista, may dalawang bisyo raw, either into drugs/alcohol o namamakla. Kapag matino raw ang artista at walang isyu sa katawan at wala raw career.

Agree ka Ateng Maricris?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …