Sunday , December 22 2024

Why deny request for leave of BI employee!?

immigration leaveIbang klase rin naman talaga kung magpa amit para huwag maalis sa pwesto kay Immigration Comm. Fred ‘green card’ Mison ang ilang hepe diyan sa Bureau.

May mga ilang empleyado ang patuloy na nagrereklamo dahil despite na may leave credits sila, at alam naman ng lahat na ito ay pribilehiyo ng bawat empleyado ng gobyerno, inire-reject at dine-deny pa rin daw ng ilang mga pabibong hepe riyan?!

Hindi ba’t bawal sa batas ang ginagawa nilang ganyan??

Alam naman siguro ng mga pabibong chief-sep diyan na as long as justified ang leave ng isang organic employee and supported by proper documentations, walang dahilan para i-deny nila ito!

Hindi ba ganoon naman talaga, BI Acting Admin Chief, Junjun “MCMG” Gevero?

E bakit patuloy ang denial ng maraming application for leave diyan sa Bureau of Immigration ?

Hindi ba natin kayang panindigan ‘yan, personnel head Atty. Mahadera ‘este’ Madera?

According to senior BI employees, during the time of former Admin Chief, Atty. Quirante and Personnel Chief, Danny Lopez, nakasisiguro ng tamang proteksyon ang lahat ng empleyado sa Bureau. 

Pero sa ngayon daw, wala tibay na aasahan sa mga nakapwesto riyan!

Kahit alam na nilang mali ang pinagagawa sa kanila ay ipatutupad pa rin masiyahan lang ang aso ‘este’ amo nila!?

Kanino pa nga naman ba manggagaling ang ganito kalupit na order, ‘e ‘di siyempre doon sa Commissioner nila ngayon na wagas kung manggipit at todo-todo kung mamerhuwisyo ng empleyado?!

Sa mga ilang hepe diyan na nag-aambisyon na maging permanent chief-sep, hinay-hinay lang sa pamemerhuwisyo ng kapwa.

Don’t forget na walang permanenteng posisyon diyan sa BI.

Darating din ang oras na mawawala ‘yang nakaupo riyan at baka sa susunod kayo naman ang tamaan!

Hindi ba nakatatakot ‘yan, BI-POD head Atty. Floro Balato?!

Alam naman n’yo siguro na pati KARMA ay digital na rin ngayon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *