Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serbisyo ni Bistek sinasabotahe… teacher’s allowance, delayed!

00 aksyon almarILAN buwan na lang eleksiyon 2016 na… at sa tuwing napag-uusapan ang halalan, maraming ‘trapo’ riyan na sumasakay sa isyu hinggil sa pagbubuwis ng buhay ng mga guro mulang public schools sa araw ng eleksiyon.

Totoo, maraming guro na rin ang napatay dahil sa eleksiyon – biktima sila ng karahasan na pinaniniwalaang kagagawan ng mga talunang kandidato.

Sa tuwing nagiging  isyu ang halalan, nandiyan din ang mga epal na politiko – ipinapanukalang dapat na dagdagan ang allowance na maglilingkod sa bayan sa panahon ng eleksyon. Pero ang resulta, hanggang papogi lang ang mga epal na politiko. Walang increase na allowance o kung mayroon man, barya lang at napakahirap pang makuha. Kailangan pa ng mga guro na umiyak bago makuha.

Iyan ang laging kinaharap na suliranin ng mga guro tuwing halalan na hanggang ngayon ay hindi nasosolusyonan o hindi nagiging prayoridad ng pamahalaan.

Sana naman, hindi na magiging malaking problema – ang allowance sa mga guro sa 2016 election. Sana!

Speaking of allowance, nakaaawa rin pala ang mga bayaning guro natin na nagtuturo sa mga public school sa Quezon City. Lagi raw naaantala ang kanilang buwanang allowance mula sa pamahalaang lungsod ng Quezon.

Hindi lang naaantala sa loob ng isang buwan kundi umaabot hanggang tatlo (3) o hanggang limang (5) buwan. Ganoon! Alam akaya ito ni Pareng Bistek este, QC Mayor Herbert M. Bautista?

Ang mga guro po kasi ay may natatanggap na buwanang allowance mula sa pamahalaan ni Bistek. Noong una ay hindi naman daw ito naaantala. Ibig sabihin, on time. Kaya nga hindi naaantala dahil ontime siya. Ayos sa buto-buto daw noon.

Pero ngayon, halos nagmamakaawa na ang mga guro para makuha ang kanilang allowance.

Nagsimula raw ang pagkaantala nang padaanin ng pamahalaang lungsod sa isang banko ang allowance sa pamamagitan ng ATM.

Pero infairness, noong una (sa banko na) hindi naman daw naaantala ang pagbibigay ng allowance kaya lang makalipas ang ilang buwan, nagsimula nang maantala.

Noong una, isang buwan delay lang tapos naging dalawang buwan hanggang maging limang buwan na. Nagsimula ito nang ATM type na ang pagbibigay ng allowance.

Ang masaklap, delayed na, hinuhulog-hulugan pa ang pagbibigay sa limang buwang delayed na allowance.

Tsk tsk tsk… ilang buwan na lang eleksiyon na.

Sa nangyayaring ito sa mga guro sa lungsod, paano sila gaganahan maglingkod sa bayan.

Mayor Bistek, in fairness sa inyo, ang nangyayaring ito ay lingid ba sa iyong kaalaman? Pakisilip ang mga info/reklamong ito. Naaantala na nga raw, hulugan pa ang paghuhulog sa ATM.

Bagamat, nagpapasalamat ang mga guro sa allowance na ito, ano ba ang nangyayari, ba’t daw nagkakawindang-windang na ang pagbibigay ng allowance?

Mayor Bistek, mukhang sinasabotahe ng ilan mong katiwala (incharge sa allowance ng mga guro) ang inyong paglilingkod sa bayan. Alalahanin po natin, eleksiyon na sa susunod na taon.

Batid naman namin na ikaw pa rin ang mananalo sa pagka-alkalde sa 2016, lamang sana ay inyong bigyan halaga pa rin ang karaingan ng mga guro sa lungsod.

Sa mga guro ang allowance na ito ay napakalaking tulong sa kanila – milyones ang turing nila sa allowance.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …