Sunday , December 22 2024

DSWD ibitay

bulok foodpacks dswd‘YAN ang panawagan ng mga kababayan natin na labis na nakaramdam ng pagkadesmaya dahil sa pagkabulok ng may P141 milyong halaga ng family food packs n dapat sana ay naipagkaloob sa mga biktima ng Yolanda.

Bukod d’yan, base sa datos, nasa P382 milyong local at foreign cash donations para sa mga biktima ng bagyo o 33% ng P1.15B na natanggap ng ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang nananatili sa bank accounts nito.

Lumalabas  sa  audit  ng  Commission on Audit (COA), totoo ngang nabigo ang nasabing ahensiya na maipamahagi agad ang natanggap nitong cash donations at family food packs sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Ang unang tanong, bakit hinayaan ng DSWD na mabulok ang mga family food packs na sana’y napakinabangan ng maraming nagutom na pamilya noong panahon ng Yolanda?

Hindi na tayo nagtataka ngayon kung bakit lalo pang nadiin ang DSWD sa naging ulat ng COA.

ilang beses nang kinondena ang DSWD dahil sa mismanagement at mabagal na distribusyon ng tulong sa mga biktima ng na-sabing bagyo pero paulit-ulit din ang kanilang pagtataingang-kawali.

Hindi man lang kaya nakintal sa isipan ni DSWD Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman, ang larawan ng bawat biktima na halos namumuti ang mga labi at basang-basa sa ulan habang kumakalam ang sikmura at naghahanap ng masisilungan?

Mapapatawad pa natin ang mga Romualdez dahil sila mismo ay biktima ng Yolanda pero hindi ang DSWD at ang ibang mga opisyal ng pamahalaan at ng buong lalawigan na wala sa Tacloban nang mga panahon na iyon at mabilis na nakatakas sa delubyo ng panahon.

Hindi kaya natatakot ang DSWD at ang nasabing mga opisyal ng pamahalaan na baka isang araw ay maranasan din nila ang dinanas ng ating mga kababayan na sinalanta ni Yolanda sa Tacloban?!

God forbid…

Pero sa kabila ng iba’t ibang karanasan na naranasan ng mga sinalanta ng Yolanda kabilang na ang kapabayaan kung hindi man panloloko ng DSWD, naniniwala tayo na makakamit rin nila ang katarungan.

Ang tanong nga lang: KAILAN?

‘Yun lang!           

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *