Wednesday , November 20 2024

Tatlong ari ‘este’ hari nakinabang sa GMA admin maging sa daang matuwid

3 hariKUNG sa husay at kaalaman, walang duda na si Madam Secretary of Justice Leila De Lima ay pwedeng-pwedeng maging senador.

Pero mayroong ‘hindi’ kaaya-ayang bagahe ang lady cabinet member ni Pangulong Noynoy na kung ating maaalala ay naging Chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) noong panahon ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nitong nakaraang linggo, nang magprotesta ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC), marami sa Bureau of Immigration ang nag-akala na magre-resign na si Madam Leila…

At mismong mga taga-Bureau of Immigration (BI) ay umasa na isasama rin niya sa kanyang pagre-resign ang kanilang Commissioner na si Siegfred “Green Card Holder” Mison.

Marami raw ang nanalangin para kay SOJ Leila…nanalangin na mawala na siya sa DOJ.

Ngek!!!

Pero hindi umabot sa resignation dahil nagkaintindihan na  nga daw ang Malacañang at ang mga opisyal ng INC.

Sa madaling sabi, all’s well that ends well.

Marami ang naniniwala na dahil sa INC rally na ‘yan, humina ang tsansa ni Madam Leila na makasampa sa Senado.

Dahil marami ang galit sa sistemang pinaiiral ngayon sa BI, tiyak na olats daw ang Liberal party Presidential candidate sa darating na election sa kanilang ahensiya.

Kahit magpa-survey pa raw diyan ngayon sa Immigration?!

Kunsabagay, kung mga taga-Immigration ang tatanungin, ayaw nilang maging Senador si Madam Leila dahil mahilig siyang magtayo ng ‘sariling kaharian.’

Gaya na lang nga sa Immigration.

Bukod sa pamamayagapag ng kanyang ka-oragon na si ‘pabebe’ Mison, ‘e muling nabuhay ang ‘syndicated’ effort ng gaya nina Atty. Norman Tansinco, Jonjon Gevero at Atty. Floro Balato.

Ang tatlong ‘yan ay dati nang namayagpag sa Immigration noong panahon ni GMA.

Sila ang mga trusted Lieutenant ni dating Comm. Nonoy Libanan.

Bistado na rin ang kanilang ‘syndicated effort’ pero nakapagtatakang nakapamamayagpag pa rin sila hanggang ngayon sa administrasyon ng daang matuwid.

Tsk tsk tsk…

Ano bang ‘asim’ o ‘dagta’ mayroon itong sina Tansingco, Gevero at Balato na kayang-kaya nilang mag-manipulate at magpaikot ng mga tao maging ng mga kagaya nina Mison at Madam Leila?

Kumbaga, kayang-kaya nilang i-recycle ang mga sarili nila, depende sa kung ano ang pangangailangan ng isang administrasyon.

Mukhang malakas ang ‘bargaining power’ nitong sina Tansinco, Gevero at Balato sa administrasyon, lalo na ngayon nalalapit ang eleksiyon.

Ganoon nga ba ‘yun, Madam Leila?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *