Linisin sa obstructions ang kalye, luluwag ang trapik
Joey Venancio
September 14, 2015
Opinion
PANGUNAHING problema na talaga ngayon sa Metro Manila ang grabeng trapik araw-araw.
Ito’y dahil lumalaki ang ating populasyon, dumami ang mga sasakyan at paliit nang paliit naman ang ating mga kalye dahil sa obstructions at mga hukay ng DPWH art Maynilad na nakabinbin!
Kaya ang suggestions natin ay linisin sa obstructions ang mga kalye, bawiin sa mga pasaway na negosyante at residente ang mga bangketa.
Political will ang kailangan dito, Mr. Mayor, Mr. MMDA Chairman, at Mr. Traffic Police Chief!
Isantabi muna ang mga timbre sa illegal terminals at lagay ng mga negosyante sa paggamit sa kalye sa kanilang negosyo.
Ang vendors ilagay sila sa dapat nilang puwesto at huwag nang hayaan maglagay ng lamesa at kubol sa bangketa o kalye!
Gawin natin ito para sa bayan, Mr. President, Sir!
Tamang linisin ang secondary roads, taguan ng kolorum…
– Ako po si Joel Singabo, 40 yrs old, ng Manila. Sana mapag-usapan yung bagong plate. Para yun mga biyaheng probinsiya maalis dito sa Manila. Ginawa ng PUJ dito sa Manila, Divisoria area, dyan nagsisiksikan mga kolorum. Di sila mahuli huli kasi may tara sa MMDA, pulis at LTO local. Tama ang sabi mo, Joey, dapat linisin ang mga secondary roads kasi dyan din nagtatago ang mga kolorum. – 09236752…
Ibalik ang bangketa sa tao!
– Hoping na mabalik ang bangketa sa tao at ang karsada sa mga sasakyan. Kaillan pa kaya? Asa ka pa! – 09422708…
Kayang kaya maibalik ang bangketa sa commuters at mga sasakyan lang ang sa kalsada. Ang mayor ang dapat mag-implement nito. Tulad dito sa Maynila, mayroon silang Department of Public Safety (DPS) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na ang trabaho ay maglinis ng obstructions sa kalye at mag-ayos sa trapiko. Kapag binigyan ng ngipin ito, tiyak luluwag ang mga kalye sa Lungsod. Yakang yaka ito basta’t may political will si Mayor. Just do it, Mayor Erap! Now na!!!
Tamang linisin, paluwagin ang secondary roads!
– Boss Joey, tama ka! Dapat linisin, paluwagin ang secondary roads. Dapat ito rin Divisoria alisin na lahat ng vendors na nasa gitna mismo ng kalsada. Ang lawak ng kalsada sa Divisoria. Kahit 4 na bus kayang magkarera. Bakit nagkaganun ang Divisoria? Anong batas ang nagsabing puwede nang sakupin ng mga vendor ang Divisoria? O lagayan at kotongan lang ang dahilan ng pagsakop sa kalsada? Imposible ba maibalik ang dating maluwag at malawak na kalsada sa Divisoria? Noon 1980 namamasada ako ng jeepney walang vendors na ganyan noon, malinis at maluwag noon. Kaya walang trapik along Recto. Ang Ilaya street dati dyan ang daanan ng pampasaherong jeep biyaheng Bangkusay at Velasquez. Ngayon sarado na sa vendors. Ang Juan Luna, Dagupan at Soler malinis at maluwag yan noon. Ngayon hanggang Abad Santos-Recto nalang ang ikot ng mga jeepney. Kung walang korap walang mahirap at kung walang kotong walang trapik! Mahirap ba? – Juan ng Tondo
Tama si Juan ng Tondo. Naalala ko rin noong 1980s at ako’y nakatira pa sa Delpan, Binondo side talagang maluwag sa trapik ang Divisoria. Puwedeng pa mangyari ito ngayon kapag ginusto ng local government. Political will lang po…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015