Sunday , December 22 2024

Si Alma at si Vandolph sa parehong direksiyon pero sa magkaibang paraan ng serbisyo

00 Bulabugin jerry yap jsyILANG panahon din ngang naging visible si Ms. Alma Moreno nitong mga nakaraang linggo sa pag-iikot-ikot sa buong bansa kabuntot ni Vice President Jejomar Binay.

Inakala nating nagpapasalamat na si Ms. Alma bilang opisyal ng Liga ng mga Konsehal sa buong bansa kasi nga last term na niya.

Pero nang may nagsabi sa inyong lingkod na iba pala ang agenda ni Ms. Alma sa kanyang pag-iikot-ikot ‘e natawa lang ‘yung kapitbahay namin.

Magse-senador daw si Ms. Alma habang ang kanyang anak na si Vandolph ay susungkitin ang iiwanan niyang puwesto sa Konseho ng Parañaque.

Kay Vandolph bilang aspirant sa local government unit napakapositibo ng naririnig nating feedback mula sa kanyang mga kapitbahay at kalugar.

Kahit na nga bagito siya sa papasuking karera palagay natin ay hindi naman siya madedehado dahil sanay naman siyang humarap sa tao.

Bilang isang artista at sabi nga ay may timing na komedyante, alam natin na kayang kumilates ng personalidad ni Vandolph na magagamit niya sa pagpihit ng kanyang karera.

Bet ka namin Vandolph!

Sa pagiging Senador naman para kay Alma, wala namang masama kung mananalo siya at maging senador. Hindi naman masamang mangarap, hindi ba?

‘Yun lang, sana ay magtagumpay siya.

Hindi naman siguro idol ni Alma si ‘Leon Guerrero.’ Kaya nakatitiyak tayo na hindi siya magbubutas ng bangko sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ladies and gentlemen, please welcome the mother & son on their new endeavours!

Airport Media Affairs pasablay-sablay na!

Ano na ba talaga ang nangyayari sa Media Affairs delayed ‘este’ Division (MAD) ng Manila International Airport Authority (MIAA)?

Lumalaki na ang isyu ng kanilang sablay na advisory dahil late at mali ang detalye.

Nabasa natin ang paliwanag ni Mr. David Faustino De Castro.

Wala naman siyang sinisisi pero sinasabi niyang hindi nila kontrolado ang pagpasok at pagdating ng mga detalye.

Kung ano lang daw ang pumasok na impormasyon ay ‘yun lang ang iuulat nila para sa media coverage.

Napaka-honest naman ng paliwanag na ito Mr. De Castro. Pero pwede po bang magtanong?

Considering na kayo ay ahensiya ng gobyerno at nasa inyo ang access para mag-check ng facts, hindi ba ninyo maaaring gawin iyon?!

Kami bilang mga mamamahayag na nagko-cover sa NAIA na paliit nang paliit ang area of access ay walang ibang maaasahan kung hindi ang katotohanan at wastong pag-uulat ninyo.

Aba ‘e kung halos pareho lang ng access ang MAD at in-house Airport media palagay natin ‘e inuulit lang ninyo ang trabaho namin…

Sayang naman ang ipinasusuweldo sa inyo mula sa taxpayers’ money?!

E ‘di mas mabuti pang wala na lang MAD para makapasok kami at lumawak ang access namin nang sa gayon ay naiuulat namin nang tama ang mga insidente riyan sa NAIA.

Aba ‘e dumaraan pa kami sa MAD pero sa totoo lang daig pa ng Media kumuha ng detalye ang nasabing division?!

Mr. De Castro, huwag kang makipagtalo sa mga mamamahayag lalo na’t kitang-kita naman na mayroon talaga kayong pagkakamali.

Higit sa lahat, dapat talagang matututo kayong tumanggap ng pagkakamali dahil hindi naman pwedeng pagtakpan ‘yan o kaya ay ituro sa iba.

Huwag tayong matakot magkamali at aminin kung nagkamali… ang laging importante sa lahat, nakahanda tayong magwasto.

Ano sa palagay ninyo, Mr. De Castro?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *