Friday , November 15 2024

Biglang nanahimik ang maiingay sa Pasay City (Tumiklop sa achievements ni Mayor Tony Calixto)

00 Bulabugin jerry yap jsyNITONG nakaraang dalawang buwan, parang rumerepekeng kalembang ng bombero ang mga nagpaparamdam na susungkitin nila ang mga upuan ng politiko sa Pasay City Hall hanggang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Walang tigil ang pormahan, walang tigil ang papogian. At hindi rin maawat ang pasaringan sa social media. 

Talaga namang ang sitwasyon ay parang mainit na kampanyahan at eleksiyon na kinabukasan.

Pero pagkatapos nang walang tigil na repekehan, biglang nanahimik ang mga tropang maingay…

Wala nang nagsasalita at wala na rin nagparamdam ngayon…

Para bang yagbols na nanguluntoy.

In short, wala nang nangangahas na tumapat kay Pasay City Mayor Antonino Calixto sa 2016 election.

Sino pa ba naman ang mangangahas?!

Sa rami ng nagawa at napatunayan ni Mayor Calixto na hindi nagawa ng mga nauna sa kanya sa mahabang panahon, sino ang mangangahas na lumaban?

Kahit na siguro kung kanino pang matandang politiko magpa-photo ops ang sino mang hahamon kay Mayor Calixto ay hindi rin makaaapekto sa labanang magaganap sa Mayo 2016 dahil ang pinag-uusapan dito ay OUTPUT.

Sino ang tatawad sa achievements ng Calixto team?!

Kung meron pang tumatawad, usapang bote at tupadahan lang ‘yan.

Sa realidad, NABOKYA sila sa labanan.                                   

Kung ganito na ang sitwasyon, tiyak swabeng-swabeng matatapos ni Mayor Calixto ang kanyang full term.

Kumbaga, sa susunod na tatlong taon ulit ay nasa mabubuting kamay pa ang Pasay City.

At ‘yan ang dapat samantalahin ng mga constituents. Itulak nila ang mga programa at proyektong tunay na mag-aangat sa kalagayan ng mga taga-Pasay.

Hindi ‘yung puro lip service lang.              

Kaya sa mga biglang nanahimik, isa lang daw ang masasabi ni Mayor Calixto — GOOD RIDDANCE!

At kay Mayor Tony Calixto naman, ituloy mo ang kaunlaran sa Pasay!

Sila lang ang happy sa BI Anniversary

Kung hihingin daw ang consensus ng mga empleyado diyan sa Bureau of Hingi-gration ‘este’ Immigration (BI), majority ay hindi natutuwa sa  nakaraang anniversary celebration ng Bureau of Immigration.

Dahil para sa kanila, ang kasalukuyang admi-nistrasyon ni Commissioner Fred ‘US green card’ Mison ang pinakawalang kuwenta sa BI.

Isipin na lang daw na sa history ng past anniversaries ng BI, ngayon lang daw halos walang natanggap na anniversary bonus ang mga empleyado!?

Kung noon sa mga nakaraang BI commissioners ay malaki ang bonus or incentive na kanilang natatanggap, ngayon ay halos kulang pa sa budget ng kanilang weekly grocery.

Anak ng pabebe! Yuckks!

At para saan pa raw ang programang BI-Cares kung ganito naman ang sistema?

Do you really sincerely care for them, Comm. Fred ‘dondon’ Mison?

Bakit kinakailangan pa raw mag-celebrate nang bonggang-bongga kung ganyan namang hindi satisfied ang lahat?

Bakit hindi na lang ito idagdag sa mga pangangailangan ng mga empleyado kaysa mga pagpapapogi na ang nakikinabang ay ilang tao lamang partikular ang ilang matataas na opisyal diyan gaya ni Pabebe Boy?

Tila yata paurong ang nangyayaring pag-unlad ng Bureau? E nasaan naman daw napunta ang perang galing sa BI express lane fund?

Tama naman kaya ang pinagkakagastusan dito?

Ang balita natin ay continuosly DEPLETING na ang pondo ng express lane kaya pati riyan sa airport nade-delay na ang bigayan ng overtime pay ng Immigration officers!?

Tila mismanaged na ang estado ng BI-express lane fund, Mrs. Presado?

Bakit dati ay hindi naman ganyan?!

Buti pa nga raw ang kanilang Commissioner at nakapag-US trip pa sa kabila na masama ang estado ng kanilang ahensiya.

What a legacy for you, Comm. Fred ‘pabebe’ Mison!

Are you not bothered with this?

Lagi ka yatang nasa cloud 9 kaya hindi ka aware sa nararamdaman ng mga tao mo?

Ang happy lang daw ay ilang sepsep-opisyal na nakikinabang sa iyong administration at ang lady love mo na si Ms. Valerie.

Tama ba Atty. Floro Balato?

Sabagay para ka lang namang nagtatabas ng damo kung sumibak ng mga empleyado diyan sa Bureau.

Organic man sila or contractual wala kang pinatatawad basta kumokontra sa ‘yo. 

Don’t worry, Comm. Fred ‘dondon’ Mison, nasa history ka na rin naman ng BI.

You will go down in history as the MOST HATED Commissioner of all time?!

Namnamin mo ‘yan, men!

Reklamo ng mga trike driver ng Guiguinto!

Sir REKLAMO lang po namin ang dalawang pulis dito sa aming lugar sa Guiguinto, Bulacan, nasa looban na po kami at sa bungad na halos ng ROCKA Subdivision Brgy Tabe, doon po madalas manita at manindak pero dumidiskarte lang naman po sa aming mga traysikel drayber. WALA na po sila sa MAIN ROAD pero naninita pa rin po kaya po hindi na nawala ang masikip na trapik sa kanto ng CRUZ dahil walang ginawa po ang ilang pulis kundi dumiskarte, sila TATA ABDULAH at LIGARIN po ang nakalagay sa kanilang name plate. Sir, sana maiparating po sa hepe ng GUIGUINTO POLICE at kay MAYOR BOY CRUZ ang ginagawa ng dalawang tulisan o kaya po sana ay maitapon kahit po outside LUZON lang sir, maraming salamat po at more power! +639183299 – – – –

Bakit paborito ni Kernel Andrade si Charlie Boy? (Attn: Gen. Joel Pagdilao)

KA JERRY, tama ho ang isinulat mo dto s Parañaque police. Paborito talaga ni chief si Charlie dahil sya may hawak sa pangkabuhayan dto. ‘Yun pondo nga naming mga pulis ay naubos sa ‘di malamang dahilan. Sana palitan na ang overstaying hepe namin. – Concerned Parañaque PNP personnel. Tago ho n’yo numero ko. +6396733 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *