Peace & order sa South Metro, kumusta na SPD Chief C/Supt. Henry Rañola, Jr.?
Jerry Yap
September 10, 2015
Bulabugin
HABANG nalalapit ang 2016 elections, nakakasa naman ang iba’t ibang teritoryo ng Philippine National Police (PNP) sa paghahanda sa seguridad.
Sa karanasan, bago at pagkatapos ng filing of candidacy sa susunod na buwan, tiyak na magkakasunod-sunod ang insidenteng hindi kanais-nais (sana naman ay sumablay ang prediksiyon nating ito…) sa Metro Manila at lalo na sa probinsiya.
Ayon kay NCRPO chief, Dir. Gen. Joel Pagdilao, mahigpit na niyang tinagubilinan ang mga district director, at mga city & municipal chief of police sa Metro Manila na maging mapagmatyag sa mga susunod na araw at ihanda ang puwersa ng pulisya.
Hindi naman niya sinasabing magulo ang Metro Manila ngayong election season, pero mas mabuti na ‘yung handa, ‘di ba?
Pero iba ang nararamdaman ng majority ng mga residente sa South Metro. Hindi raw sila panatag sa liderato ni SPD director, C/Supt. Rañola.
Maraming “uninvited incidents” na ang nararanasan ng local residents. Ilang siyudad ba mayroon sa South Metro?!
Ang namamayagpag lang umano sa South metro ay mga KTV pokpok bars, sunod-sunod na aksidente dahil sa mga buhol-buhol na trapiko ng sasakyan, talamak na bentahan ng droga at s’yempre ambulant vending na na-take-over na rin ng mga Chinese nationals sa Baclaran.
Hindi pa kasama riyan ang mga kaso ng robbery snatching, hold-up at ilang kaguluhan sa barangay na kanilang kinaroroonan.
Alam na alam ‘yan ng TATLONG ITLOG na nagpapakilalang BAGMAN ng SPD na sina alias ROCKY, GERRY at ED MOTARA!
NCRPO chief, Dir. Gen. Joel Pagdilao Sir, paki-check naman ang South Metro sa ilalim ng lide-rato ni Kernel Rañola.
Salamat po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com