Friday , November 15 2024

Mga pulis sa Cavite ikakalat ni PNP chief Marquez sa kalsada

CRIME BUSTER LOGOMAGANDA rin pala ang plano ni PNP chief director general Ricardo Marquez para sa lalawigan ng Cavite.

Ang isa sa plans ang program na ipatutupad ni Marquez ay downloading ng mga PNP personnel mula sa station level na plano niyang ikalat sa mga kalsada sa iba’t ibang lugar sa Cavite.

Ang pahayag na ito ay isinagawa ng PNP chief sa kanyang pagbisita sa provincial capitol sa bayan ng Trece Martirez City na siya ay naging guest of honor at speaker sa traditional na Monday flag raising ceremony.

Ayon kay Marquez, ang downloading ng mga PNP personnel sa bawa’t police station sa lalawigan ng Cavite ay makatutulong nang malaki sa pagpapatupad ng maayos na peace and order sa isang bayan.

Kung may nakikitang foot at mobile patrollers sa kalsada, matatakot na gumawa ng krimen ang mga kriminal, ayon sa hepe ng pambansang pulisya.

Ang ipatutupad na polisiya ay ipinaalam na rin ni Marquez sa mga kagawad ng Maragondon, Cavite police force nang siya ay dumalo sa 288th year founding anniversary ng bayan.

Napag-alaman natin na ang pagbisita ni Marquez sa lalawigan ng Cavite ay nasaksihan nina Cavite Gov. Jonvic Remulla, Maragondon Mayor Reynaldo Rillo at ng dalawang mataas na PNP officials sa Region 4-A na sina Chief Supt. Richard Albano at Senior Supt. Eliseo dela Cruz, OIC ng Cavite Police Provincial Office.

Region 4-A cops arrested wanted persons

TAGUMPAY ang kampanyang “Oplan Sibat” na ipinatutupad ng pamunuan ng Philippine National Police laban sa mga fugitive sa batas.

Sa area of jurisdiction ng PNP-region 4-A sa Calabarzon na pinamumunuan ni RD, Chief Supt. Richard Albano, walong katao na may mga standing warrant of arrest sa iba’t ibang korte ang isa-isang nalambat ng kanyang mga tauhan mula sa local level ng police station.

Ang mga naaresto ay nahaharap sa iba’t ibang kaso tulad ng paglabag sa illegal drugs (RA-9165), carnapping, rape, grave threats, frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunition.

Ang mga suspects na naaresto ay sina  Edwin Pearson, Alberto Caisip, Mark Anthony Villasanta, Jessie Abuin, Rafael Paolo Ramos, Christopher Navarro, Isidro Gamboa at Renato Rosario.

Nalambat sila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nina Judge Efren G. Santos ng RTC Branch 24, Biñan City; Judge Roberto L. Macalintal ng RTC Branch 11, Balayan, Batangas; at Judge Ma. Chona Pulgar-Navarro, ng RTC, Branch 63, Calauag, Quezon.

Dapat natin saluduhan ang mga kagawad ng Biñan City, Laguna, police station, Alaminos, Laguna, Tagkawayan at Gumaca, Quezon, Sto. Tomas, Batangas at Imus, Cavite-PNP.

Anyway, thanks kay P/Supt. Gaoiran, ang hepe ng Public Information Office sa PRO4-A.

Japanese national nahuli sa drug bust

NASAKOTE pala ng mga operatiba ni EPD director Senior Supt. Elmer Jamias, ang isang Japanese national na si Masaki Hashimoto, sa isang drug buy-bust operations na isinagawa sa 6F Carton, III California Square sa Libertad St., sa Barangay Highway Hills sa Mandaluyong City noong gabi ng Septiyembre 5.

Paglabag sa Section 5, Art. II ng RA 9165 ang isinampang kaso ng mga nakaarestong pulis laban sa Hapones.

Diyan sa area ng EPD, lalo na sa Pasig ang daming tulak ng illegal na droga. Kaya panay na ang pa-operate ni Col. Jamias sa mga suspected drug den sa area ng Eastern Police District.

Panawagan sa PD ng Cavite

MAY plano raw ang ilang barangay officilas sa General Mariano Alvarez, Cavite na magtungo sa tanggapan ni Cavite Provincial Police director Senior Supt. Eliseo dela Cruz. Irereklamo raw nila ang closed-open na puesto pijong perya-sugalan na nasa gilid ng isang food chain sa nasabing bayan.

Naku! Sina Boknoy, Jason at Babes Panganiban ang may pakana ng sugal color games at dropballs sa GMA. Two weeks na silang nagpapasugal. Col. Cruz, ipasara n’yo na!

Sa Barangay San Jose, Baliuag, Bulacan, panay din ang pasugal ni Jessica sa nasabing bayan. Tatlong color games at dalawang dropballs na may halong daya ang pinagkakaguluhan lagi ng mga kabataan.

Bulacan-PNP-PD, ipahuli n’yo na!

About Mario Alcala

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *