Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, puwedeng maging matinee idol

050815 Matteo Guidicelli

NAPANOOD namin iyong Single/Single, na isa palang teleserye, kaya lang parang nakakainip naman dahil every Saturday lang siya. Nasanay kasi tayo na ang isang serye ay daily, kaya may posibilidad na makalimutan mo na iyong sinundang kuwento bago mo mapanood iyong bago. Nasa primetime Rin siya, pero sa isang cable channel lang, sa Cinema One. Mas maganda pa sana kung nasa free tv iyan at kung daily sana. Palagay namin magre-rate rin naman.

Pero ang nakatawag ng pansin namin sa seryeng iyon ay si Matteo Guidicelli. Mahusay siya sa mga napanood naming eksena. Naisip nga namin, with his good looks, puwedeng maging isang matinee idol si Matteo. Bukod sa mahusay namang umarte, may hitsura at malinis ang image. Iyon ang importante eh. Hindi kagaya ng ilang matinee idols na sumikat, tapos unti-unti may sumisingaw na hindi maganda.

Kung hitsura ang pag-uusapan, maaari namang makipagsabayan si Matteo kay Daniel Padilla. Mukhang mas ok pa nga ang hitsura niya kaysa ibang matinee idols eh. Iyon nga lang, hindi pa dumarating sa kanya iyong malalaking breaks talaga.

Hindi namin kaibigan iyang si Matteo. Hindi nga kami magkakilala niyan. Pero sinasabi lang namin kung ano sa palagay namin ang totoo. Kagaya ng nasabi namin, parang nakaiinip na lingguhan lang kasi ang labas ng kanilang serye, pero panonoorin namin dahil mukhang mahusay naman sina Matteo at Shaina Magdayao sa seryeng iyan. Marami rin namang makare-relate sa kanilang kuwento na nangyayari naman talaga sa ngayon.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …