Sunday , December 22 2024

Market holiday vs market privatization sa Maynila, ikinasa

00 aksyon almarLABAG man sa kalooban ng samahan ng manininda sa San Andres Market ang pagdeklara nila ng market holiday nitong nakaraang linggo, wala silang magawa kundi gawin ito para maipaabot sa kinakukulan ng Manila government ang kanilang pagtutol sa pagsapribado sa pamilihang bayan.

Katunayan, ang hakbang ng grupo ay inaasahan na ni Manila City Counselor Ali Atienza na mangyari ito.

Hindi lang ang miyembro ng San Andres ang tutol sa hakbangin ng pamahalaang lungsod kundi maging ang mga manininda sa 13 pang palengke sa lungsod. Plano na nga rin ng 7 sa 13 palengke ang sumunod sa hakbangin ng kanilang mga kasamahan.

Market holiday, meaning bakasyon ng mga manininda. Holiday e. Hahaha… hindi sa halip, tigil ang pagbebenta nila.

Nagdesisyon ng market holiday ang grupo makaraang mabatid nila na may mga nakaumang nang pamilihan na nakatakdang gigibain o isunod sa Quinta Market ng pamahalaang lungsod.

‘Ika nga ni Jojo Palana, presidente ng San Andres Market Vendors Association, sampu ng kanilang kasamahan na hindi raw pala mapanghawakan ang mga pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Matatandaan, personal na sinipat ni Estrada ang  palengke noon bago nagkaroon ng demolisyon sa lugar. Ang naging findings ng pangulo ay maayos at matibay pa pala ang kanilang palengke, ang Quinta Market. Iyon naman pala e, pero ikinagulat nila (vendors) ang biglaang joint venture ordinance na ginawa ng City Council na nangangahulugan ng privatization ng mga palengke sa Maynila.

Akusasyon nga ng grupo, moro-moro lang daw ang ginagawang public hearing , dahil buwan pa lamang ng Hunyo ay nagkaroon na ng pagpupulong ang Engineering Department at tinalakay ang pagpapagawa sa mga palengke. Ibig sabihin, bago pa man ipinaalam sa mga manininda ay yari na ang lahat – tapos na ang boxing sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng developers.

Ang San Andres Market, ay napaganda at napatibay daw noong 2007 at ginastusan ng P30 milyon noong  panahon ni dating Mayor Lito Atienza, mula sa kaban ng Maynila.

Patuloy din naman sa pagbabayad ang mga manininda ng maintenance fee pero heto, planong gibain ito at patayuan ng mall ang San Andres Market. Daing ng grupo, wala man lang daw paki ang mga nakaupo ngayon sa ginastos ng pamahalaang lungsod at historical value ng palengke na naitatag ilang dekada na.

Dahil nga sa patuloy na pagsisinungaling ng pamahalaang lungsod, araw-araw na magsasagawa ng market holiday ang grupo – isang palengke kada araw. Ang pagtutol sa pamamagitan ng market holiday ay aabot hanggang Setyembre 14, 2015. Magpapatupad rin ng snake rally sa loob ng palengke, ang mga manininda ng pito (7) pang palengke mula sa 13 palengke sa Maynila na sasabayan na rin daw  ang Quinta Market, Sampaloc, Sta. Ana, Dagonoy at Pritil Market.

Bagamat sinasabing tapos na at plantasado ang deal sa pamamagitan ng Joint Venture Agreement, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga manininda na pakikinggan sila ng korte. 

Katunayan, nag-apply na ng TRO ang pamunuan ng San Andres Market sa Branch 28 ng RTC Manila, upang mapigilan ang planong pagsasapribado ng kanilang palengke.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *