Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jovit, ‘di totoong ‘di inirespeto si Alon

090915 Wency Jovit renee Alon
KAHAPON ay inilabas natin ang ukol sa pagpuna ni Wency Cornejo kay Jovit Baldivino. Pinaratangan n’ya itong hindi marunong rumespeto sa mga nakatatandang musikero.

Ito ay bunsod sa naganap na show nila sa General Santos City noong Setyembre 7 na kasama sa mga performer sina Cornejo, Baldivino, atRenee ‘Alon’ dela Rosa.

Ang tinutukoy na ‘ di pagrespeto ni Cornejo ay ang pagkanta ni Baldivino ng awitin ni Alon ng Pusong Bato.

Sa ipinadalang mensahe si Thess Gubi ng ABS-CBN Star Magic sa pamamagitan ng text, sinabi ni Lorelie G.Pacquiao, punong barangay at producer ng GenSan show na ipinaalam mismo ni Baldivino kay Alon na kakantahin niya ang Pusong Bato at hindi rin daw nagkita roon sina Cornejo at Baldivino. Narito ang kabuuan ng text message:

“Una sa lahat, taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga performers na dumalo sa KAGATBU FESTIVAL CELEBRATION last September 7-2015 lalong lalo na po Kina JOVIT, MARCELITO, ALON and WENCY. Naging successful po ang show.

“Personal pong nagpaalam si Jovit Kay ALON  sa backstage para kantahin ang Pusong Bato at pumayag naman po si ALON at sabi Niya,”wala pong problema”. Hindi rin po nagkita si Jovit at Wency sa event. Sana po matapos na po ang issue na ito.  Maraming Salamat po. Punong barangay:Lorelie G.Pacquiao, producer ng GenSan show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …