Friday , November 15 2024

Japanese illegal drug trader timbog sa liderato ni EPD Director C/Supt. Elmer Jamias

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG Japanese straggler ‘este national ang naaresto ng mga tauhan ni PNP Eastern Police District (EPD) Director, C/Supt. Elmer Jamias sa isang drug bust operations diyan sa Mandaluyong City.

Dahil po sa drug bust operation na ‘yan at pagkakadakip sa sinasabing Yakuza member na si Masaki Hashimoto, 43 anyos, nailigtas ang buhay ng maraming kabataan sa panganib ng pagkalulong sa ilegal na droga gaya ng shabu.

Aba, bilib naman tayo sa tapang nitong si Hashimoto. Napakalakas ng loob na maglako ng ilegal na droga sa teritoryo ni Kernel Jamias. Hindi ba alam ng Japanese Yakuza na si Hashimoto na kaya nga binansagang Barako ng Maynila si Kernel Jamias ‘e pugad ng ilegal na droga ang nilusob niya sa Quiapo, Maynila noong siya pa ang station commander ng Western Police District Police Station 3 (Sta. Cruz Station)?

Nagkamali ng lugar na pagtutulakan ng droga ang Japanese Yakuza dahil talagang hindi sila uubra kay Kernel Jamias.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa Japanese Embassy ang pamunuan ni Kernel Jamias upang masudsod ang iba pang aktibidad ni Hashimoto sa bansa.

Ang inyong lingkod, bilang advocate na nagsusulong ng kampanya laban sa hindi magandang naidudulot ng ilegal na droga gaya ng shabu, ay binabati si Kernel Jamias dahil sa kanyang masugid na pagsugpo sa nasabing perhuwisyong bisyo.

Mabuhay ka Kernel Jamias, subok na ang iyong sipag at galing kaya tiwala kami na hanggang sa Tanay ay malilinis ninyo ang ilegal na droga.

Drug bust pa more!

Peace & order sa South Metro, kumusta na SPD Chief C/Supt. Henry Rañola, Jr.?

HABANG nalalapit ang 2016 elections, nakakasa naman ang iba’t ibang teritoryo ng Philippine National Police (PNP) sa paghahanda sa seguridad.

Sa karanasan, bago at pagkatapos ng filing of candidacy sa susunod na buwan, tiyak na magkakasunod-sunod ang insidenteng hindi kanais-nais (sana naman ay sumablay ang prediksiyon nating ito…) sa Metro Manila at lalo na sa probinsiya.

Ayon kay NCRPO chief, Dir. Gen. Joel Pagdilao, mahigpit na niyang tinagubilinan ang mga district director, at mga city & municipal chief of police sa Metro Manila na maging mapagmatyag sa mga susunod na araw at ihanda ang puwersa ng pulisya.

Hindi naman niya sinasabing magulo ang Metro Manila ngayong election season, pero mas mabuti na ‘yung handa, ‘di ba?

Pero iba ang nararamdaman ng majority ng mga residente sa South Metro. Hindi raw sila panatag sa liderato ni SPD director, C/Supt. Rañola.

Maraming “uninvited incidents” na ang nararanasan ng local residents. Ilang siyudad ba mayroon sa South Metro?!

Ang namamayagpag lang umano sa South metro ay mga KTV pokpok bars, sunod-sunod na aksidente dahil sa mga buhol-buhol na trapiko ng sasakyan, talamak na bentahan ng droga at  s’yempre ambulant  vending na na-take-over na rin ng mga Chinese nationals sa Baclaran.

Hindi pa kasama riyan ang mga kaso ng robbery snatching, hold-up at ilang kaguluhan sa barangay na kanilang kinaroroonan.

Alam na alam ‘yan ng TATLONG ITLOG na nagpapakilalang BAGMAN ng SPD na sina alias ROCKY, GERRY at ED MOTARA!

NCRPO chief, Dir. Gen. Joel Pagdilao Sir, paki-check naman ang South Metro sa ilalim ng lide-rato ni Kernel Rañola.

Salamat po! 

Hokus-pokus sa 148 chinese nationals

AWARE kaya si SOJ Leila De Lima na talk-of-the town sa Bureau of Immigration (BI) kung papaano minaniobra ng ilang tulisan ‘este’ taga BI-OCOM ang discashte ‘este’ diskarte sa pagkaka-deport ng 148 foreigners na nainvolved sa kaso ng on-line gaming diyan sa Resorts World Leisure and Casino?

In case you don’t know Madame Secretary, 2 liars ‘este’ lawyers na parehong konektado raw diyan sa nasabing call center ang nag-file ng magkaibang estilo ng pagpapakawala sa mga nahuling banyaga.

Ang isa sa kanila ay nag-file ng petition for bail habang ang isa naman ay nag-request ng vo-luntary deportation without blacklist.

Since mahirap i-justify ang petition for bail dahil sa kanilang illegal activity at violation ng Immigration rules, naturalmente na pinagpasa-pasahan ang nasabing petition sa kung kani-kanino riyan sa BI Legal Division which was obviously, ayaw i-resolved as per instruction daw sa OCOM!?

After mag-withdraw ng kanilang petition for bail ang nag-file na lawyer, dito na inaksiyonan sa BI Board of Special Inquiry (BSI) ang nasabing request for voluntary deportation but without putting them in the blacklist.

And hold your breath…In a matter of 24 hours, lumabas ang nasabing APPROVAL sa BI-BSI?!

Approved without further thinking?

Tama ba, Atty. Vince Hungkag ‘este’ Uncad?

Daig pala ng iyong opisina ang isang octa-core computer kung mag-isip!?

Hanep sa bilis ng reso!

Isipin mo Madam SOJ, within 24 hours APPROVED ang nasabing Voluntary Deportation Without Blacklist!?

What the fact sheet!?

At bakit without blacklist?

Hindi ba’t involved sa illegal activities ang mga ‘yan?

So if a foreigner committed a violation of immigration law, he/she must always be placed in the blacklist!

Magkano ‘este’ paano nangyari ‘yun, Atty. Roy ‘inang’ Ledesma?

Mukhang na-over power nina Comm. Fred  ‘pabebe boy’ Mison ang mga nakasulat sa libro mo?

Bakit hindi mo pabigyan ng straight jacket ang mga ‘yan?!

Kung titingnan ninyo ang history at record ng mga pending cases diyan sa BSI, ang ibang mga cases doon ay inaamag muna ng 3 to 6 months bago maresolba pero ano ang meron o misteryo sa kaso ng 148 foreigners at gigil na gigil si Comm. Fred “dondon” Mison na sila ay i-deport?

Your guess is as good as mine, guys?     

Sabagay very tempting nga naman ang umugong na tsismis na areglohan umano sa nabanggit na kaso.

May mga makakating dila pa riyan sa BI main office ang nagsabi na hindi bababa sa P100k daw kada ulo ang naging usapan dito between a certain Atty. Ty at isang representa-thieve (ay wrong spelling!) representative from OCOM?

So kung ganoon, tumataginting na P14.8M ang pitsa na pinaghatian ng ilang opisyales di-yan sa BI-OCOM?

Para palang tumama sa grand lotto ang ilang kapal-muks diyan?!

Tama kaya ang nasabing info, Atty. Norman Tansinco?!

Sonabagan!

Ano ngayon ang masasabi ninyo sa pangyayaring ‘yan, Madame SOJ De Lima?

Baka naman type mong bigyan ng atensiyon ang nasabing hokus-pokus at hindi puro INC ang inaatupag mo?!

May kumakalat kasing balita na ang isang parte raw sa nasabing halaga ay “for delivery” para sa kandidatura ng isang mataas na opisyal sa 2016?!

Hindi kaya para sa inyo ‘yun, Madam Secretary?

 Nagtatanong lang po tayo…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *