Friday , November 15 2024

Plano ni Inton sana’y sinubukan muna…

00 aksyon almarBALIK PNP-Highway Patrol Group na ang EDSA.

Ito ay makaraang pumalpak ang MMDA sa paghawak ng EDSA. Pulos kotong lang kasi ang pinaggagawa ng karamihan sa tauhan ni MMDA chairman Francis Tolentino.

Pero kaya nga bang patinuin ng HPG ang EDSA? Abangan natin iyan.

Dahil nga lumalabas na inutil ang MMDA sa EDSA, hayun ilang grupo ng motorista ang humiling sa “ulo” ni Tolentino. Magbitiw na lang daw siya sa MMDA tutal rin lang naman daw, nandiyan na si Rene Almendras kaya hindi na raw kailangan si Tolentino.

Speaking of Almendras, bukas sa mga suhestiyon ang opisyal upang masolusyonan ang problema sa EDSA. Ayos nga ang ideya at suhestiyon ni Almendras na ilipat ang ruta ng provincial buses sa C5 at alisin na sa EDSA.

Pero kung matatandaan, hindi pa man nangyayari ang dilemma sa EDSA, taong 2014 ay nagpanukala na si Atty. Ariel Inton, Board Member ng LTFRB na imbes number coding, mas makabubuti kung bawasan ang oras ng private vehicles sa EDSA. Hindi muna payagan ang private vehicles sa EDSA mula 6am hanggang 9am, Lunes hanggang Huwebes.

After ng 9am daw sabi ni Inton ay puwede nang dumaan sa EDSA. Sa ganitong siste, malamang na maluwag ang EDSA at mabilis na ma-kabibiyahe ang public transports na kailangan ng riding public sa pagpasok sa trabaho.

Sa siste rin (daw) 80%  ng volume ng  private vehicles ang mawawala sa EDSA.

Dagdag ni Inton, ang private cars naman daw ay puwedeng dumaan inside roads at makarating sa kanilang destinayson. ‘Ika niya, pagkatapos ng peak hours puwede na ang private vehicles sa EDSA.

Iyon naman number coding, sabi ni Inton, hindi epektibo lalo na’t marami naman ay dala-dalawa o hanggang lima ang sasakyan kaya hindi rin nababawasan ang volume ng sasakyan sa EDSA.

Kinontra ni Tolentino noon ang suhestiyon, hindi raw makatotohanan ang panukala ni Inton. Isang paglabag daw sa karapatan hindi lang ng ating private car users kundi apektado rin ang ekonomiya lalo na ‘yong papunta sa central business district ng Makati, Ortigas at BGC.

Iyon lang ba ang problema Ginoong Tolentino, maraming daan kung gugustuhin at kung talagang magpapatupad ng batas, papuntang business district. Konting ikot lang, nandiyan na sa business district.

Kaya dahil sa kapalpakan ng MMDA sa EDSA, tuloy ay pinabababa si Tolentino sa MMDA pero sana’y sinubukan muna ang panukala ni Inton, hindi naman mababawasan ang pagkalalaki niya kung sinubukan lang (naman). Tama na kasi iyan pride na ‘yan.

Tolentino, ang solusyon sa EDSA ay hindi lang naman nakukuha sa pagtatrapik mo (dahil ba tatakbo kang senador?). Trapo ka rin pala e! Kaya nga kayo inilagay ni PNoy sa MMDA dahil bilib siya sa iyo pero, anong nangyari?

Mabuti pa si Almendras, hindi ka ba nahihiya sa kanya, siya pa ang nagmamando ngayon sa mga dapat gawin ng MMDA?

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *