Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lifestyle check sa Immigration at DPWH ipatupad!

00 parehas jimmyBAGO ang lahat gusto kong batiin ang aking mabait na kaibigan na si Jun Dizon.

Keep up the good work Pare!

***

May tumawag sa akin na taga-immigration at ang sabi: “Sir panahon na siguro na isalang sa lifestyle check ang mga opisyal ng Bureau of Immigration dahil sa naglalakihang bahay nila at nakatira sa mga first class subdivision. Balita pa na may isang opisyal na nagpapatayo ng bagong bahay diyan sa QC.

Mga anak na nag-aaral sa mga first class/exclusive na paaralan.

Dapat ito ang pagtuunan ng pansin ng Ombudsman.

Sa Immigration, ang daming mga silent millionaire diyan!

Kaya nananawagan tayo kay Pnoy, para madagdagan ang legacy niya na kasuhan ang baldog ring hustler diyan sa BI.

Simulan ang lifestyle check diyan sa isang Immigration official na may jaguar at ilang hektaryang farm sa Tagaytay at isang green card holder pa.

Grabe na raw ang nasabing official dahil mukhang buong taga-Immigration na ang galit sa kanya at isinusuka siya.

Sabi nila kahit ganoon si dating Immigration Comm. Ricardo David ay may puso naman pero itong si Fred Mison daw ay mapaghiganti.

Sa pag-alis ni Mison sa Immigration, siya raw ang breaking the record na pinakaraming haharapin na kaso sa Ombudsman at sa mga iba pa.

Imbestigahan ang mga nagpayaman diyan sa BI sa mga salyahan, balyahan at illegal alien sa mga visa, sa human trafficking.

‘Yan ay courtesy ng mga fixer diyan na sina LEA BINONDO, BETTY TSUA at ANNA SYSY!

Ito ang katanungan ng marami, bakit ang daming fugitive sa ibang bansa na nagtatago sa ating bansa, bakit!?

***

May tumawag rin sa akin at sabi “sir Jim, ang DPWH, pag ini-audit mo ang mga projects, daang milyon ang kontrata, maniniwala ka ba na walang komisyon ang mga ‘yan?”

 Tell it to the marines!

 Napakatahimik ng DPWH pero Nandiyan daw ang malalaking linta. Dapat rin talaga na isalang sa lifestyle check ang mga taga-DPWH.

Ang titindi ng pamumuhay ng ilang opisyales diyan.

May DPWH official daw na laging laman ng casino at sabungan at milyon kung magpatalo.

Sino kaya siya at ang GF pa raw ay artista?

Grabe!

Maswerte talaga si tatang!

Bantayan rin ang flood control projects na daang milyon ang involve diyan na tongpats.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …