MAS maraming ngipin ang nasa loob ng bibig nito at lalamunan, nadiskubre ng mga researcher. Ulo ba o buntot? Sa wakas ay may kasagutan na ang mga siyentista sa kaso ng sinaunang uod na Hallucigenia, na nag-iwan ng mga labi na talagang namang kakaiba kaya minsang inakala ng mga researcher na ang tiyan nito ang likuran at ang likod ang harapan ng hayop.
Tunay ngang kinompirma ng mga siyentsita, makaraan ang ilang dekada, kung aling bahagi ng Hallucigenia ang ulo, at na-tagpuan pa ang ‘nakangiti’ niyang bibig na maraming ngipin, ayon sa bagong pag-aaral na nagdetalye sa hitsura ng sinaunang uod.
Ayon sa mga researcher, ang bibig niyang maraming ngipin ang masa-sabing link na kumokonekta dito sa ibang mga hayop tulad ng mga gagamba, nematode worm at ang maliliit na tardigade—ang cute at halos ‘indestructible’ na mga micro animal na tinatawag ding mga water bear.
“Makakakita ka ng ga-gamba ngayon, at wala kang ideya,” wika ni study co-author Martin Smith, researcher ng paleontology at evolution sa University of Cambridge. “Ngunit ang totoo, ang simpleng bibig ay da-ting mas komplikado.”
Ang Hallucigenia ay malilinggit na marine worms—na pangkaraniwan ay 15 milimetro lamang ang haba—na nabuhay noong panahon ng Cambrian, kung kalian nagsisimula pa lang ang komplikado at multicellular life na siyang magbibigay buhay sa mundo.
Unang nadiskubre ang labi ng Hallucigenia noong 1970s, at nakita sa mga spe-cimen ang mahabang ka-tawan na may mga spine sa ibabaw at 10 pares ng paa sa ilalim.
Ngunit dahil isa sa bawat pares ay nakatago sa bato, pinagkamalan sa unang paglalarawan na ang mga spine ang mga paa ng uod at ang mga paa nama’y mga spine sa likod.
ni Tracy Cabrera