Friday , November 15 2024

9 bata patay sa dengue sa Bulacan

SIYAM na bata mula sa anim bayan at siyudad sa Bulacan ang iniulat na namatay dahil sa sakit na dengue na lumalaganap ngayon sa lalawigan.

Sa ulat, nabatid na ang mga namatay sa dengue ay naitala sa mga bayan ng San Rafael, Pulilan, Norzagaray, Angat at mga lungsod ng San Jose del Monte, at Malolos.

Ang nasabing tala ay naiulat mula Enero hanggang unang linggo nitong Setyembre, at ang mga biktima ay nasa edad sampu pababa.

Ang dengue outbreak sa Bulacan ay idineklara bunsod nang nakaaalarmang pagtaas ng bilang ng mga dinapuan nito mula nang pumasok ang kasalukuyang taon.

Nabatid mula sa provincial health department ng Bulacan, nakapagtala sila ng 3,000 kaso ng dengue mula Enero hanggang ngayong Setyembre.

Noong nakaraang taon ay nakapagtala rin ang naturang tanggapan ng 1,115 kaso ng dengue sa lalawigan.

Ayon sa medical staff ng Sacred Heart Hospital sa Malolos, ang kanilang pasilidad ay nakatatanggap ng lima hanggang anim na dengue cases araw-araw.

Tinukoy rin ng Department of Health ang Bulacan na may pinakamalaking bilang ng kaso ng dengue sa Central Luzon, sinundan ng Tarlac at Pampanga.

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *