Friday , November 15 2024

Kilala ba kayo ni Win?

00 Bulabugin jerry yap jsy‘YAN dapat ang tanong ng madla tuwing lumalarga sa kanyang maagang pangangampanya ang politikong si Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City na nangangarap maging senador.

Kilala ba n’yo si Win?

Oo si Win nga, ‘yung ang gimik sa TV commercial (TVC), kunwari ‘e hindi kilala ng tao tapos ililitanya ang sandamakmak na nagawa raw niya sa ilalim ng scholarship foundation.

‘Yung gimik na kunwari gawa nang gawa kahit hindi kilala ang mga botante pero sa huli babanggitin, “AKO ANG MAY PAGAWA NIYAN!”

As if naman, pera niya mula sa sariling bulsa ang ipinampagawa sa mga proyektong ‘yan,

‘E sa totoo lang kayo nga’ng mag-anak ang WIN NA WIN diyan sa Valenzuela…

Wowow win nga ‘e!

Pero paalala lang po, hindi kayong mga botante ang dapat kumilala kay Win. Dapat ‘e siya ang kumilala sa inyo.

Nakikihalubilo ngayon si Win sa batayang masa kasi nga nalalapit na naman ang eleksiyon.

Pero pagkatapos ng eleksiyon, makikilala pa kaya niya ang mga katulad ninyong botante?!  

By the way, ano na ba ang nangyari sa kaanak ng mahigit sa 70 manggagawa na nasunog diyan sa Kentex?!

Mukhang wala nang nababalitaan ang madla kung ano na ang nangyari sa mga kaanak ng mga manggagawa tapos ‘e tinabunan pa ng maagang pamomolitika?!

Tsk tsk tsk…

Batang-batang TRAPO. Trapong abusado!

Yabang ni Joel: Buhay ninyo sasaya sa TESDA

KUNG PROGRAMA ang titingnan, maganda sana ang mga programa ni TESDA chief, Secretary Joel Villanueva.

Pero ang problema, sa totoong buhay ‘e drawing ang kanyang mga programa.

Arkitekto ba si Joel V?

Halimbawa na lang ‘yung kuwestiyon na 100% bang libre ang pag-aaral sa TESDA?

‘E hindi naman pala totoong P100 percent e walang gastos sa pag-aaral sa TESDA.

Kapag nakapasok at nakatapos sa pag-aaral, hindi naman sure kung makahahanap agad ng trabaho.

Paanong sasaya ang buhay sa TESDA?

Ay sus!

Baka si TESDA chief Joel muling sasaya lalo na kapag naging senador pa!

Aba ‘e muntik pa tayong malaglag sa ating kinauupuan nang marinig natin ang balitang ‘yan.

Ay sus! 

Mukhang ikaw lang ang masaya sa TESDA, Secretary Joel!

Sino ang protektor ni kolek-tong alias Jmy Soriano sa Divisoria!?

Namamayagpag at wala pa ring patid ang nagaganap na KOLEK-TONG ng ilang ‘tulisan’ na nagpapakilalang malakas sila sa Manila City Hall.

Isang alias JMY SORIANO na nagpapakilalang leader ang abot hanggang langit kung isumpa ng mga vendor sa Recto Soler Divisoria sa pangingikil ng tong sa kanila.

Tanong nga nila, saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang taong ito para sa pangongolektong sa kanila?!

Ipinagyayabang pa ng tarantadong JMY SORIANO na malakas ang pamato niya sa city hall at sa isang tabloid reporter na madalas makitang umoorbit t’wing hapon sa mga vendor.

Umaasa pa rin ang mga pobreng vendor na tutuparin pa rin ni Yorme Erap ang pangako sa kanila na walang mangongotong sa mga vendor sa Maynila.

Pero bakit anila’y patuloy pa rin ang pangongotong ni alias JMY Soriano sa kanilang hanay?!

“Hindi naman siguro maglalakas loob si Soriano na mangotong sa amin kung walang basbas ‘yan ng mga bossing sa city hall ‘di ba?” pahabol na tanong pa ng isang beteranong vendor sa Divisoria.

Sino nga kaya ang mga tongpats ni Soriano sa mga kawalanghiyaan niya sa Divisoria!?

Palagay ko ‘e alam na n’yo siguro kung sino ang amo/protector ni Soriano?!

Sonabagan!!!

Reklamo vs OIC ng 1st Eagle Security Services

IBANG klase rin kung magsuspinde ang OIC ng THE 1ST EAGLE GUARD SECURITY SERVICES na may tanggapan sa No. 117 BALAGTAS VILLA, PASAY CITY na si MR. GREGORIO TARIMAN. Pagsasabihan nito ang kanyang mga guwardiya na bago magtungo sa kanilang puwesto ay may gagawin silang meeting sa umaga at kailangan na dumating sa oras pero siya ang hindi sumisipot nang maaga at namumuti ang mga mata ng kanyang mga pinagsabihan at saka maninita ng kanyang kinaiinitang sekyu! Gayong kulang na kulang sila ng mga tauhan at pinipersonal pa ang kanyang kinaiinisan. Marami na ang natanggal sa kanilang trabaho dahil sa gawa ng mamang ito! Alam kaya ng kanilang agency ang pinaggagawa ng kanilang itinalagang opisyal imbes turuan ang kanyang mga tauhan ay kanya agad sinibak sa puwesto! Kung laging ganito kalupit ang gagawin ni MR. GREGORIO TARIMAN sa kanyang mga tauhan e baka maglayasan sila. Bitin-bitin na nga ang pasahod ninyo ganyan pa ang asal ng OIC ninyo riyan sa PUREGOLD PASO DE BLAS? Ano ang masasabi ninyo The 1st Eagle Guard Security Servises? Sibakin agad si Mr. Tarima  este Tariman!

+649153771 – – – – – –

Reklamo vs Elk Medical Clinic sa Tayuman

KA JERRY, sa halip na P200 lang ang bayad sa medical exam dinagdagan ng P20 pesos ng nagngangalang DEL at isang matandang babae diyan sa ELK Medical. Kapag magtatanong kung wala kang kakilala ay aalokin ka ng palakad para daw di ka na pumila! At P250 ang idadagdag mo sa pagkuha ng lisensiya alam kaya ito ni DR. E.L. KAYABAN? Na ganito ang ginagawang pambabraso ng kanyang mga tauhan sa mga nagre-renew ng lisensiya?

Kaya tuloy nagrereklamo ang mga aplikante sa kanila dahil sa halip na makatipid ang mga pobre nating kababayan na sakto lang ang pantubos ay kanila pang

kinokotongan! Isipin ninyo di ka na raw pipila gayong maghihintay ka pa rin sa labas! Dahil hindi naman agad- agad makagagawa ang inyong lisensiya! DR. KAYABAN AKSIYON!

+63918717 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *