Wednesday , November 20 2024

Perhuwisyong tulak namamayagpag sa Tondo (Attention: PDEA & MPD-DAID)

112714 drugs manilaUNTOUCHABLE daw ba talaga at tila hindi kayang putulin ang sungay ang pamamayagpag at pagkakalat ng droga ng isang kinatatakutang tulak diyan sa Tondo Maynila!?

‘Yan ang nakarating na reklamo sa atin mula sa ilang mga residente ng Tondo partikular sa Pacheco at Coral streets kung saan umiikot at nakasentro ang sirkulasyon ng kanyang ilegal na droga.

Isang alyas SALDEE ang nagdudulot ng matinding pangamba at bangungot sa mga residente sa nasabing lugar dahil lalo pang dumarami ng kanyang galamay sa pagbebenta ng shabu sa Tondo.

Ayon sa ating source, hindi lumalabas ng haybol ang salot na si alias Saldee nang walang sukbit nabaril sa kanyang tagiliran.

Madalas na ibinabandera pa ang kanyang ‘mahabang’ baril at “tuwing gabi.”

Ipinagyayabang pa ng tarantadong Saldee na ilan beses na raw siyang nakalawit ng pulis pero lahat ay nalusutan n’ya dahil sa mabuting cashunduan.

Sonabagan!!!

Tila nagiging Godfather pa ang kumag dahil napapaligiran ng mga osdo na pumapapel na bodyguard niya sa kanyang bahay sa Pacheco St., dahil sa lakas ng bentahan ng ‘bato.’

Minsan na rin nahuli ng MPD si SALDEE pero nganga at hindi nakasuhan, ilang taon na ang nakararaan.

‘Yan din ba ang SALDEE na nakalawit malapit sa DON BOSCO noong araw na nahulihan ng BARIL, DROGA at PERA sa kanyang motorsiklo pero nakaligtas at hindi rin nakasuhan?

Alam kaya ni Kupitan ‘yan???

Balita rin na konektado rin itong si Saldee sa isang antigong tulak na si alias MAYMAY ng Velasquez na may konek sa isang pulis Maynila.

MPD PS-1 commander Supt. Ulsano, baka ho pwedeng kayo na ang kumalos sa perhuwisyong tulak na ito sa nasabing AOR?

‘Yung 9 years old, sadyang nakalawit ng pulis pero lahat ay nalusutan n’ya dahil sa mabuting cash-unduan.

Sonabagan!!!

Tila nagiging Godfather pa ang kumag dahil napapaligiran ng mga osdo na pumapapel na bodyguard niya sa kanyang bahay sa Pacheco St., dahil sa lakas ng bentahan ng ‘bato.’

Minsan na rin nahuli ng MPD itong si SALDEE pero nganga at hindi nakasuhan ilang taon na ang nakararaan.

‘Yan din ba ang SALDEE na nakalawit malapit sa DON BOSCO noong araw na nahulihan ng BARIL, DROGA at PERA sa kanyang motorsiklo pero nakaligtas at hindi rin nakasuhan?

Alam kaya ni Kupitan ‘yan???

Balita rin na konektado si Saldee sa isang antigong tulak na si alias MAYMAY Ng Velasquez na may konek sa isang pulis-Maynila.

MPD PS-1 commander Col. Ulsano, baka ho pwedeng ikaw na ang kumalos sa perwhuisyong tulak sa inyong A.O,.R?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *